Aiden
I drove my car fast after fetching Azel from the police station. Buti nalang ay nakapag-file na pala request for temporary release ang pamilya nito kahapon pa at naaprubahan na kanina. Yung attorney nila at kapatid niyang si Keith ang naabutan ko. Sumabay na sakin si Azel dahil may aaikasuhin pa daw ang kapatid niya sa business nila.
"Bwiset! Bwiset talaga! Bakit ba nangyayari 'to? Tang-*** talaga. Sinigurado kong maayos ang tatayuan ng dalawang building tapos biglang ganon. All of the sudden, the ground collapsed? Maayos akong gumawa ng tabaho at alam mo 'yan, diba?"
Hindi ako sumagot at nag-focus sa pagdri-drive. Alam ko kung ga'no ka-OC si Azel pagdating sa trabaho kaya nga wala rin akong maisip kung bakit nangyari 'yon. I could hear him sigh and curse a couple of times before he spoke.
"Something's not right here. The timing is impeccable. After the...tragedy, naging sunud sunod ang nangyari. My family and yours... Hindi ko maisip na dahil sa pagkawala ng isa, sandamakmak ang naghihirap ngayon." Nag-igting ang panga ko at napahigpit ang hawak sa manibela.
"Actually, hindi lang ang pamilya natin. Bumagsak ang pamilya ni Cindy dahil nagback-out ang mga kliyente nila dahil sa issue ng materyales nila. Drake's law firm and license were suspended. Yung mga stockholders ng parehong kumpanya namin damay din gaya ng pamilya mo. Both are losing money fast. Naisip ko narin na may mali dahil halos lahat ng kilala natin sabay sabay bumabagsak ngayon. Kami naman... we need money kaya nga papunta tayo sa lugar kung 'san kami makakahiram ng pera dahil lahat ng meron kami ay di pwedeng galawin."
Umiling iling ito at nagmura. "Mas lalong lumaki ang hinala ko."
Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaking gate.
"Are you sure this is the place?"
Tinignan ko ulit ang tinext ni Uncle at ang GPS tracker ng sasakyan. "Yup. The right place."
"Bakit nasa gubat?"
I was about to reply when two armed men came closer and knocked on my window. "Ano pong sadya niyo dito, sir?"
His words were kind but you could hear the cautiousness and warning in his deep voice.
"We're looking for Mr. Gabriel-"
"Ah, si Ma'am Gabrielle ba? Pwede po bang malaman kung ay appointment kayo?"
Ma'am Gabrielle? Hindi ko alam na babae pala ito. "Wala but my uncle's already inside talking to her with my Auntie."
Nag-isip muna ito bago sumagot. "I-confirm ko lang po." Tumango ako at tumingin kay Azel. He shrugged his shoulder and roamed his eyes outside.
Bumalik din naman ung lalaki at pinapasok kami. It took us another ten-minute ride just to reach our destination. I watched the trees blurred pass us while thinking the reason why would someone built a house-or mansion in the middle of the forest. But whatever her reason was, mas mahalagang makahiram kami ng pera sa kanya.
"Dude, pag pinatay tayo dito, walang makakrinig ng paghingi natin ng tulong. I never should've watched Wrong turn. Na paparanoid tuloy ako." Pagbibiro ni Azel na ngiitian ko.
Sinalubong kami ng isang maid na inihatid kami sa waiting at receiving area. Nakita namin agad sina Auntie at Uncle na nakaupo sa engrandeng sofa. This woman must be really loaded. I thought.
"Have you already seen her?" tanong ko kay Uncle at umiling.
Ilang minuto pa kaming naghintay bago kami sinundo ng isang armadong lalaki. Auntie looked nervous the moment she saw him but uncle assured him that it's fine.
BINABASA MO ANG
Warming the Ice Queen's Tears
General FictionWho would save you if your heart is clouded by revenge?