WARNING : SPG AHEAD
Bawal ito sa bata kaya alis alis na… Don’t read Azel’s POV.
Re-posted kasi ung iba hindi mabasa ung content...
Chapter 10
The Plan
Aiden
We’re outside room 509. Ang kwartong pinaglalagyan ng posibleng si Alonna. Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Ibang iba ang pakiramdam ko kesa don sa mga nakalipas na pakikipagkita ko sa mga nagpapanggap na Alonna. Siguro dahil iba ang kalagayan ng babaeng haharapin namin.
Uncle Ben turned the doorknob and let Auntie Therese enter first. May mga kasama rin kaming mga nurses just in case daw na may mangyari. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sinundan si Uncle Ben sa loob.
We saw a girl sitting on the bed while her hands’ on her lap. Auntie Therese moved closer but gained no reaction from the girl. Ibang iba ang itsura niya kay Alonna. Halos wala ka nang makikitang pagkakahawig sa kanila maliban sa buhok.
Mapayat din siya at may konting sugat ang mga braso at kamay. Nanatili ako sa malayo habang si Auntie Therese at Uncle Ben ay lumalapit sa kanya.
“A—Alonna?” the sadness was visible on Aunt’s voce as she stutter.
Umangat ang ulo nung babae pero nakatingin parin sa kawalan. My gaze landed on her eyes. It had the same color as Alonna’s but it was dull. Yung liwanag na lagi mong makikita sa mga mata ni Alonna ay wala na. Blanko at puno ng kalungkutan ang ipinapakita nito sa amin.
“Alonna?” she repeated but louder. Hinawakan ni Auntie Therese ang pisngi nito at napatingin naman si Alonna ng diretso kay Auntie.
“Auntie Therese.” Walang emosyong sabi niya. “Are my invitations ready? I want to give one to Vernice. She’ll be very excited once I give it to her.” She added.
Auntie Therese made a loud gasped and tears started to fall from her eyes. Agad namang nilapitan ni Uncle Ben ang asawa at pinakalma.
“Uncle Ben, does your shoulder still hurt? Do you want me to massage it? Don’t want you to miss my birthday because of that. Yes. My birthday is in 2 weeks. I need to prepare and I’ll write it on my diary. Yes that’s right, my diary. Where’s my diary? Oh! Under the pillows. Yes, Al, it’s under the pillows.” Nakatingin lang kami sa kanya habang mabilis niyang iniaangat ang dalwang unan niya. “Where is it? Dapat nandito lang ‘yon.” Huminto siya at inilapit ang mga kuko sa bibig na para bang nag-iisip. “Right! The drawer. Where’s my drawer? It’s supposed to be here. Exactly in here beside my bed.”
“A—Alonna, please calm down.” nag-aalalang sabi ni Uncle Ben.
Auntie Therese moved closer and made Alonna face her.
“Please princess, look at me and calm down.” sabi niya habang hinahaplos haplos ang mukha ni Alonna. Naramdaman ko naman na nagbabadyang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga nasasaksihan.
“Auntie Therese?” nagsimula namang tumulo ang mga luha ni Alonna at tumango si Auntie. “Uncle Ben?” she said when she saw Uncle Ben. Ngumiti si Uncle at lumapit. Hinawakan niya ang kamay ni Auntie at hinalikan sa ulo.
Maya maya pa ay dumako ang tingin niya sa akin. I smiled but I never expected what she did next. She made a loud piercing scream when I stepped forward.
BINABASA MO ANG
Warming the Ice Queen's Tears
General FictionWho would save you if your heart is clouded by revenge?