Chapter 20
Pagka-alis ng kanyang tiya mula sa pag-aalo at pagpatahan sa kanya sa kakaiyak, agad itong bumangon sa pagkakahiga. Natawa muna siya saglit dahil natutuwa siya sa pag-arteng ginawa niya kanina. She didn’t expect that Aiden would bring her to a special meeting. The meeting that she ruined, for Aiden’s part at least. Siya rin ang nagsabi sa media ng mga nangyayari dahil masyadong mabilis ang pagbalik nila sa Pilipinas kung nagkataon.
Kinuha niya ang teleponong nakadikit sa likod ng side table at tinawagan ang tunay na Alonna. Hindi ito sumagot sa unang tawag kaya tinawagan niya ulit ito. Napakunot ang noo niya dahil nakatatlong tawag na siya pero hindi pa niya ito nakokontak. Dati rati naman ay agad itong sumasagot.
She tried to text her and she waited until she received a reply from her.
‘I’m busy.’ Basa niya sa text nito.
‘Answer my damn calls’ she replied.
She called again and this time, she answered after the fourth ring.
“Rainne.”Sabi ng taong sumagot sa kabilang linya na nagpakunot sa kanyang noo.
“Do not call me that.” She hissed. “That’s your name now. Don’t be reckless.” Inis na sabi niya. Matagal na nilang napag-usapan na hindi na tatawagin ang isa’t isa sa tunay nilang pangalan. Halos pitong taon niya nang kinalimutan ‘yon at ang pangalan niya na ngayon ay Alonna at hindi Rainne.
Ramdam niyang may kakaiba sa kausap. Medyo mahina at malumanay ang pagtawag nito sa pangalan niya. Parang hindi siya ang babaeng tinuruan niya kung pano maging matatag at malamig sa mga nakalipas ng panahon.
“Why did you call, Alonna?” sabi niya na pinagdiinan pa ang pangalan na ginagamit.
“Bumabalik ka sa dati.” She coldly stated. Hindi niya kung anong dahilan kung bakit ganito ang kausap niya pero ramdam niyang unti-unting bumabalik ang babae sa dati. Hindi na malamig ang boses nito kanina gaya ng dati at hindi narin siya tinatapunan ng kahit na anong insulto. Ang masama pa ay tinawag niya ito sa tunay niyang pangalan.
Hindi rin ito agad nakasagot sa sinabi niya na talagang nagpalakas ng pagdududa niya.
“Don’t be silly.”
“I’m not. You are!” she said in a cold and low tone. “Hwag mong sayangin ang pinaghirapan natin.”
“I won’t.”simple yang sagot. “Mommy” nakarinig siya ng boses ng batang lalaking tumatawag sa kausap na nagpakunot ng noo niya. “Tapos na po movie.” Naghintay siya at nakinig lang sa kabilang linya. “Really?...Opo, mommy.” Bigla naman siyang may narinig na batang babae. “Mommy! Seven! Let’s eat.”
“You’re with your brats.” She said.
Hindi na siya sinagot ng kausap at biglang ibinaba ang telepono. Napaupo siya sa kama at nag-isip. Ngayon ay alam niya na kung bakit nagkakaganon si Rainne. Kung bakit unti unti siyang bumabalik sa pagiging Alonna niya.
She already anticipated these changes from her a long time ago. Pagkapanganak palang ng mga bata ay alam niya nang maaaring magbago ulit ito at bumalik sa dati. Kaya nga sinabihan niya nang ibigay ito sa bahay ampunan pero hindi siya sinunod at kinuha parin ang mga bata. She tried to made her realized that those kids would only make her weak and now it’s happening.
BINABASA MO ANG
Warming the Ice Queen's Tears
Fiksi UmumWho would save you if your heart is clouded by revenge?