Chapter 19
Kristoff
“Tito! Mommy! I wanna watch this!” excited at nakangiting sabi ni Nine. Tinuturo turo niya pa ung poster ng movie titled Big Hero 6.
Pagkakita palang niya sa poster ay agad itong pumalag mula sa pagkabuhat ko. Nang makababa siya ay agad itong tumakbo. Gano’n din ang ginawa ni Seven. Nang makitang biglang tumakbo si Nine ay agad itong bumitiw sa pagkakahawak kay Rainne, hindi dahil sa excitement kung hindi dahil sa pag-aalalang baka madapa ang kapatid.
That’s right! Rainne held Seven’s hand.
Ako rin nagulat nung una pero naging masaya at panatag ang pakiramdam ko pagkatapos. I was glad that Rainne’s starting to warm up to her own kids. Sinundo ko siya galing sa trabaho because I wanted to spend time with them. Nakasalubong ko pa si Azel at hindi niya nakalimutang bigyan ako ng mapanghusgang tingin. Hindi parin maganda ang nararamdaman ko kapag alam kong lumalapit siya kay Rainne. Gusto kong bantayan si Rainne sa kanya pero hindi ko naman ito agad magagawa. Lalo pa ngayon na babalik na’ko sa Brazil.
That’s why I wanted to spend time with them. Kailangan ko pang asikasuhin ang kompanya namin. I was only here for two weeks but I’ll leave the kids to enjoy their vacation with their mom. Sisiguraduhin ko namang babalik ako agad.
Ang akala ko hindi papaya si Rainne na sumama samin pero nung sinabi kong naghihintay ung mga bata sa kotse at aalis na ko ng bansa, pumayag na siya.Hindi ko kasi sinama ung mga bata dahil baka magalit lang siya. Palabas na ko nang tumayo siya at kunin ang bag niya. She didn’t say any word at sinabayan lang ako sa elevator hanggang pababa ng parking lot.
Nagdire-diretso siya sa sasakyan niyang dala ko. She didn’t mind me using one of her cars. Naabutan naming nagkakasiyahan ung mga bata na agad tumahimik nang makita si Rainne.
Pagpasok sa mall ay pinaggitnaan namin ni Seven si Nine at hinawakan ang kamay. I was a bit shocked when Seven suddenly held Rainne’s hand. Napakunot muna ng noo si Rainne nung umpisa at tumingin lang sa magkahawak nilang kamay. I thought that she’ll pull her hands away but she didn’t. She let Seven do what he did without any disagreement.
Maya’t maya ko silang tinitignang dalawa. I saw how Seven smiled and I could almost fell his happiness radiating. Napahinto kami ng biglang huminto si Nine. I leveled with her height and she looked so sad. She was pouting and looking at the floor.
“Bakit, baby Nine?” malambing kong sabi habang iniisip kung ano ang nagpalungkot sa kanya. I held her shoulder and asked again.
Wala siyang sinabi pero inangat niya ang tingin niya at ipinunta kay Seven at pagkatapos ay kay Nine. Hindi ko alam kung anong problema pero napansin kong may tinitignan siya sa likod ko. I followed her gaze and it landed on Seven and Rainne’s joined hands.
“I wanna hold mommy’s hand too.” She whispered while pouting. I chuckled before grabbing her hand and walked closer to Rainne.
Umangat ang seryosong tingin ni Rainne mula sa phone niya. She looked at me expressionless while I smiled and placed Nine between us.
“Ako na maghahawak niyan.” Sabi ko habang kinukuha ung bag niya. “Hold her hand.” Tumingin siya kay Nine na nakaangat naman ang tingin sa kanya. Nine was looking at her with pleading eyes. Tumingin muna sakin si Rainne at bumuntong hininga bago iangat ang kamay para ialok kay Nine.
I saw how Nine’s eyes suddenly filled with joy and I smiled at the view of the three people I valued the most. Mas lalo akong natuwa nang marinig ko ang mga komento ng ibang tao. Some of them adored the twins telling them how cute they were. Someone did notice Nine’s eye patch but the most delightful ting I heard was someone thought of us as a beautiful family which I wished to be true.
BINABASA MO ANG
Warming the Ice Queen's Tears
Ficção GeralWho would save you if your heart is clouded by revenge?