K A B A N A T A 27

5 0 0
                                    


[Kabanata 27]

"Vampires need to leave, the mist! The mist is poisonous to vampires!" patuloy siya sa pagsisigaw habang nananaliksik ang mga mata sa mga bampira. Marahas niyang itinutulak sina Enzo at Nicholas ngunit ni isa sa kanila'y walang gumalaw.

"There's no time! Mag-eepekto na ang hambog!"

Sinalubong ko ang mga mata ni Enzo at tipid na tinanguan. "You heard her, Enzo. You all need to get out, hinatayin niyo lang ako sa labas."

"W-what? Not happening, Isabelle. You don't know her, paano kung—"

"I can take care of myself, Enzo. Hindi mo ako kailangang bantayan bawat oras. Ako na ang bahala dito, hindi kayo ligtas kung patuloy kayong namamatili dito. Let me do this, alone."

Maging sina Casper, Caspian, Nicholas, at Blaise ay kapwa na umiling sa akin. Alam kong hindi sila sasang-ayon pero wala silang magagawa. They'll either leave or die in this place.

"Wag kayong mag-alala mga mahal na prinsipe, sasamahan ko siya," wika ni Freya at lumingon kay Thania. "The mist is not poisonous to witches, right?"

Tumango siya. "It's only lethal to vampires and werewolves. The goddess cast it herself, keeping this place safe."

Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit hindi na nakakalabas ang mga pumasok sa lugar na 'to. May dahilan kaya niya pinili na isara ang lugar na 'to sa mga bampira't lobo. Ang mga bampira o lobong pumasok dito'y nalason na ng hamog at hindi na nagkaroon ng tyansang makalabas.

Kaya ganoon ka-agresibo ang bungad sa amin ni Thania sa anyo upang balaan kaming wag nang tumuloy. She's trying to scare us so that we'll go back outside and not return.

"Let's trust them, nararamdaman ko na ang epekto ng hambog. Let's go, before something happens to us," saad ni Blaise. Nag-aanlinlangan pa si Nicholas pero sa huli'y tumango siya at sumunod kay Blaise na naunang lumabas.

"Let's go, Enzo." hinawakan ni Caspian ang braso ng kapatid. Nakatingin pa sa akin si Enzo bago napabuntong hininga. "We'll be waiting."

Nang sandaling kaming tatlo na lamang ang naiwan ay muling hinawakan ni Thania ang aking kamay. "I can't still believe how you did that..."

"Did what?" tanong ni Freya.

"When I looked into her eyes, it glowed. Wala pa akong nakitang nilalang nakayang labanan ang sariling basbas ng unang dyosa. I've been a bird for two hundred years, ikaw lang ang nakapagbalik sa anyo ko. Maraming salamat, Isabelle." sumilay ang ngiti sa kaniyang labi habang patuloy na nagpupunas ng luha.

"How did you turned into a bird? Were you cursed?" tanong ko.

"No." umiling siya. "This is my power, I'm a shapeshifter. I can shape whatever animal that I want, may nangyari lang nakaraan kaya nakulong ako sa anyo ng malaking ibon. Pinili kong dito na lamang manirahan upang hindi ako makapanakit ng ibang nilalang."

Tumango kaming dalawa ni Freya sa sagot ni Thania.

"Pumasok tayo sa akin tirahan nang sa ganoon ay mapaghandaan ko kayo ng pagkain, marami rin akong gustong sabihin sa inyo." tinalikuran niya kami at nagsimulang maglakad papalayo. Ilang metro pa ang layo namin sa kaniya at natanaw namin ang kaniyang kubo.

Hinayaang kong maunang pumasok si Freya sa loob, malaki ito kumpara sa karaniwang kubo at kasyang-kasya ang anyo nitong ibon. Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Nagtiis siyang maging ibon sa loob ng dalawang daang taon, walang makausap, at hindi makalabas sa lugar na 'to.

"Pagpasensyahan mo na mahal na dyosa kay gulo ng aking tirahan." kumuha siya ng dalawang upuan at ibinigay sa amin ni Freya.

Tipid akong ngumiti.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon