[Kabanata 36]Ang akala ko'y magigising ako na katabi ang aking hari, ngunit sa pagmulat ng aking mga mata'y isang malapad na lupain ang sumalubong sa akin. Napupuno ito ng iba't ibang klase ng bulaklak at may isang puno na ang dahon ay kulay pula.
Nasaan ako? Isang panaginip na naman ba?
"Isabelle..."
Napalingon ako sa boses ng babaeng tumawag sa akin. Halos umawang ang labi ko nang makita ang mukha niya. Everybody always telling me that my beauty is exquisite, ngunit para sa akin, ang babaeng nasa aking harapan ay hindi maikukumpara sa akin.
Napakaganda niya.
"Sino ka?" tanong ko.
"Hindi mo ba nakikila ang iyong sariling ninuno?" ngumiti siya sa akin. Sumasayaw sa akin ang hangin ang kanyang mahabang buhok.
Namilog ang mga mata ko. "Isa ka ring dyosa?"
"Tama ka, isa ako sa nanalong kambal sa ating lahi at nandito ako upang balaan ka," aniya. Nagsimula nang kumunot ang noo ko.
"Balaan sa alin? Ikaw ba ang babae sa panaginip ko noong nag-isa kami ni Thania? Sino ba ang tinutukoy mong nilalang na wag kong pipiliin? Si Khalil ba? Bakit mo pa ako ipinares sa kanya kung ayaw mo akong mas lalong mapalapit sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko at halos malawan na ng hininga.
Nakita ko ang lihim niyang pagngiti. "Paumahin, mahal na dyosa, ngunit hindi ako ang nagpares sa inyo dalawa ng panganay na Ravenna. Kapalaran niyo na iyon, at oo, siya ang tinutukoy ko."
"Ngunit bakit? I don't understand. He's my mate."
"Dahil simula pa lamang ay hindi na ito maaari." lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kapareha man o hindi, alam ko ang pakiramdam kung paano magmahal ng isang Ravenna. Hindi mahirap mahalin ang mga Ravenna, Isabelle. Kaya hindi kita masisisi na mas napalapit na ang loob mo sa kanya."
Ang nakakunot kong noo ay unti-unting nawala at napalitan ng pagkabigla. "Don't tell me—"
Tumango siya.
"I was once inlove with a Ravenna. Even he's not my mate, King Gideon Lounn Ravenna made me feel that I'm special to him. Sa sandaling panahong nakasama ko siya'y naging masaya ako. Kaya alam kong isang mabuting kapareha sa'yo ang kanyang anak."
Halos hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko akalaing ang isang dyosang tulad niya'y mahuhumaling rin sa dating hari. Hindi man nababanggit sa akin ni Khalil kung anong klaseng bampira si Haring Gideon ngunit naririnig ko kay Klea at Loah na maraming babaeng nagkakagusto sa kanyang noong kanyang kabataan, bampira man o hindi.
King Gideon is quite famous during his time, at kahit wala na siya ngayon ay palagi pa rin siyang pinag-uusapan dahil pagiging magaling na pinuno noon. Kahit hindi aminin ni Khalil ay alam ko ang nararamdaman niya sa tuwing kinakaharap niya ang kanyang mga konseho at nasasakupan.
Masyado siyang naiipit dahil maraming umaasa sa kanya na magiging katulad siya ng kanyang ama, at alam kong minsan ay gusto niyang tumakbo mula sa responsibilidad. He's a great king on his own ways, nakikita ko iyon. Tahimik at kalmado lamang siyang nagreresolba ng mga problema at siya mismo ang tumutuklas ng mga ito.
"Kung totoo ang iyong sinabi, bakit sinasabi mong wag ko siyang piliin?"
Huminga siya nang malalim at sinalubong ang mga mata ko. "Dahil gaya ng sinabi ko sa'yo noon may mangyayaring hindi maganda sa hinaharap. Isang imperyo ang maglalaho at iyon ang Valhalla. Ang imperyong pinamumunuan ng lalaking mahal mo."
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil may ideya na ako tungkol dito pero nang makumpirma ko ito'y dumuble na ang takot ko. Humakbang ako palapit sa kanya at marahang pinisil ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampirWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...