[Kabanata 12]Nagkatinginan kami ni Claire sa sinabi ng kaniyang kapatid. Humigpit ang hawak ni Claire sa kamay ko. Nararamdaman ko ang takot niya. Hindi aatras sa laban ang mga Ravenna.
"Paano nila nalaman na nandito tayo?" tanong ni Claire na tanging pag-iling lang ang sagot ni Cyd. Mabilis siyang nagtungo sa pintuan para salubungin ang mga Ravenna.
"Dito ka lang," wika ni Cyd at sinundan ang kapatid niya. Bumaba ako sa kama ay nilapit ang aking tenga sa pinto upang marinig ang kanilang pag-uusap.
"Ilabas niyo si Isabelle." narinig ko ang boses ni Enzo.
"Hindi namin kilala kung sino ang Isabelle na sinasabi mo. Umalis na kayo." sagot ni Claire. Ramdam ko ang pglakas ng hangin dahilan kung bakit ay dumoble ang kaba ko. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Cyd at Claire, mas marami at malakas ang mga Ravenna kumpara sa kanila.
"Ilalabas niyo siya o tatanggalan ko kayo ng hininga?" nanlaki ang mga mata ko at mabilis na hinawakan ang sedura ng pinto.
"Narito kayo sa teritoryo namin kaya wala kayong karapatan na takutin kami. Inuulit ko, umalis na kayo."
Tumahimik bigla ang labas kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng silid. Hindi pa ako nakakarating sa baba ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang kapwa nakataas ang kanilang mga sandata at nakatutok sa kanilang dalawa.
"Wag!" sigaw ko at mabilis na lumapit sa kanila. Nakahinga sila nang maluwag nung makita ako pero matalim pa rin ang tingin nila sa aking mga kaibigan. Kumirot ang puso ko nang makita si Khalil pero mabilis din akong umiwas ng tingin.
"Take her, Maxine. Bumalik na kayo sa Valhalla." utos niya sa kapatid. Umatras ako nang aakma akong hahawakan ni Maxine.
"I'm not going with you," matigas kong sabi. Bakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha.
"Ano'ng ibig mong sabihin? We're here to save you," sagot ni Maxine.
"Save me from who exactly? Them? They helped me, kayong lahat ang patuloy na nangloloko sa akin!" sigaw ko. Tinalikuran kong sila at mabilis na tinulungan si Cyd at Claire sa pagtayo.
Isang kamay ang kumagat sa aking braso pinaharap ako sa kaniya. I saw Khalil's cold eyes.
"Sumama ka sa 'min." seryoso ang kaniyang boses. I clenched my jaw and harshly took my hand away from him. "Hindi ako sasama sa'yo. Para saan pa? Para patuloy niyo akong gamitin? Hinding-hindi na ako magpapalinlang sa inyo!"
Naniningkit ang mga mata niya. "What are you saying?"
Marahas kong kinuha ang kwintas at ipinakita sa kaniya. "S-simula pa lang ay kilala mo na kung sino ako, di'ba? You've been spying on me since the beginning! Alam ko na ang lahat, Khalil! Your family was the one who ordered to kill us that night! Mga kawal niyo ang bampirang sumugod sa aming tahanan... y-you killed my mother and sister!" nangangatal ang kamay kong itinapon sa paanan niya ang kwintas.
Nakita ko paano nanlaki ang mga mata nilang lahat. Nananaliksik ang mga mata ni Maxine na susugod sa aking kung hindi siya pinigilan ni Nicholas.
"How dare you talk like that to our family! Wala kaming pinatay, Isabelle!" malakas na sigaw niya.
"Talaga ba?" sarkastikong wika ni Claire. "Bakit hindi niyo tanungin ang inyong namayapang ama sa ginawa niya sa aming pamilya? You just didn't ruin Isabelle's life, but ours also!"
"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Morgan. Wag mong idadamay ang aming ama dito!"
Ibinaling ko ang aking tingin kay Khalil na tahimik sa aking harapan. "Bakit hindi ka makapagsalita? Alam mo ang totoo, di'ba? Alam mo ang lahat!"
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampiroWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...