[Kabanata 11]Ilang beses akong umatras—nanginginig at hindi mapakali habang nag-uunahang bumagsak ang aking mga luha. Nasagi ko pa ang isang plorera kaya nabasag ito. Mabibigat ang aking paghinga habang nakatingin sa kaniya.
"Y-you're lying..." nangangatal ang aking mga labi. Sinubukan niyang humakbang palapit pero mas lalo akong umaatras. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa matinding pagkirot nito.
'You're lying... you're lying..." paulit-ulit na usal ko na parang nasisiraan na ng ulo.
"I'm not lying. Please just listen to me." humakbang siyang muli.
"DON'T YOU DARE TAKE ANOTHER STEP!" umalingaw-ngaw ang boses ko. Madiin kong niyakap ang aking tuhod at isinubsob ang aking mukha. Napapikit ako ng mariin sa muli pagkirot ng ulo ko at pag-ikot ng aking paningin. Sinubukan kong manlaban pero unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.
***
Pagkagising ko ay nadatnan ko si Claire na natutulog malapit sa akin habang ang mga braso niya at nakapatong sa kama na hinihigaan ko. Bumango ako at nagmadaling umatras sa pader dahilan upang magising siya.
"Huminahon ka, Isabelle. Hindi ka namin sasaktan, hindi kami ang kalaban mo." umupo siya sa dulo ng kama.
"Kung ganoon ay pakawalan niyo ako. You can't keep me here," matigas kong sabi.
"We will, just listen to us first." mabilis akong umiling. "Mga sinungaling kayo. Pinapaikot niyo lamang ako. Ganoon ba talaga kalaki ang galit niyo sa mga Ravenna at pati ang pamilya ko'y idadamay niyo?!"
"We're not lying about your family!" tumaas ang boses niya. "Nandoon kami nung nangyari ang pagsugod. Bakit kami magsisinungaling sa'yo? Naging biktima rin kami, alam kong ipinakita na ng kapatid ko sa'yo ang nangyari, alam mong mabigat ang pinagdaanan namin kaya ang gusto lang namin ay iligtas ka. Do you think we will let you put your life at risk? Naging mabait sa amin ang iyong ama at tatanawin namin iyong malaking utang na loob."
Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang aking luha. "Alam kong napamahal ka na sa mga Ravenna, pero sana maniwala ka sa amin... minsan na kaming naloko at trinaydor ng pamilyang iyon, ayaw namin na pati ikaw ay lolokohin din nila."
"But why would they do that? Bakit nila kaming balak na patayin?" naguguluhan kong tanong.
"Dahil ikaw at ang kakambal mo ang magdadala ng propesiya sa katotohanan. Yes, all your father wrote in that book are true but he didn't include that the Goddess' chosen were twins. Kahit ang inyong mga magulang ay nalito kung sino sa inyong dalawa ang magiging dyosa. Ang kwintas na suot mo ay ginawa ng dyosa mula sa kapangyarihan ng buwan upang markahan ang dalawang sanggol. They tried to save you both... but they failed. Ikaw lamang nakaligtas kaya sa'yo mapupunta ang lahat ng kapangyarihan ng dyosa. They stole the other half of the necklace because they knew that one day, they will find you."
"Pero nung gabing sumugod ang mga mangkukulam sa kuta namin ay sinadya ni papa na mapunta ako sa mga Ravenna. Those witches want me for the same reason, kinuha nila si papa dahil alam nila ang kahinaan ko. They said that I'm the last piece for their ritual. Bakit hinayaan niya akong mapunta sa mga Ravenna kahit alam niyang sila ang nag-utos na sugurin kami nung gabing iyon?"
Sandaling napaisip si Claire sa sinabi ko. "Isa lang ang ibig sabihin niyan, they have different agendas. Nakilala ka nila bilang isa sa kambal dahil sa kwintas mo. They're waiting for you to unleash your powers, at dahil tao ka pa nung mga panahong iyon ay gumagawa pa sila ng paraan para tuluyang lumabas ang kapangyarihan mo. With a goddess by their side, they'll be the most powerful family in the whole empire. Titingalain sila ng nakakarami maging ang mga karatig imperyo. Just like what first vampire did..."
Sumalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. "First vampire?"
Umalis siya sandal sa aking harapan at pagbalik niya ay may dala siyang makapal na libro. Umayos siya ng upo at lumapit sa akin. She flipped the pages and show me a map.
"This is the map of this world called Trias Den. The goddess named it 500 years ago, when this world is still at peace. The goddess decided to select rulers from different lineage of vampires, werewolves, witches, avians, and humans..." napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Together, they ruled. But little did they know that the vampire from the throne wants more. An enchantress from the Temple of Arete said that whoever the goddess chooses to be her mate will have an everlasting power to rule. After the long years, the vampire witness how much the goddess favored the human on the throne. Jealousy filled his chest and he killed the chosen human. Masyadong tuso ang bampira kaya walang nagawa ang dyosa kundi piliin siya bilang kaniyang kapareha."
Halos hindi ako makapaniwala sa isinalaysay niya. Masyadong sakim sa kapangyarihan at posisyon ang bampirang 'yun at hinayaan niyang lamunin siya ng kaniyang inggit at pati ang taong iyon ang nagawa niyang patayin.
"W-what happened next?" tanong ko. Hindi ko akalaing may ganitong klaseng pangyayari ang naganap sa nakaraan. Inilipat niya ito sa susunod na pahina bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.
"After the goddess hailed the vampire as her mate, he immediately ordered to execute all the humans because he believed that no human can rule this world. Kahit ang ibang mga nilalang ay hindi sang-ayon sa mga pasya ng bampira kaya nag-aklas sila. Sumiklab ang isang digmaan dahilan ng pagkaubos ng maraming nilalang. I don't know all the details but all I know is that history is repeating itself—kahit limang-daang taon na nakalipas ay may mga bampira pa ring uhaw sa kapangyarihan. Hindi na bumalik sa dati ang lahat at maging ang pangalan ng mundong 'to ay hindi na ginagamit at kinalimutan na ng kasaysayan."
Uminit ang sulok ng mga mata ko. Tama nga si papa... mga bampira ang dahilan kung bakit nagtatago kami sa loob ng mahabang panahon. Kung bakit napupuno ng takot ang mga puso namin sa tuwing dumating ang gabi. Ang bampirang nasa trono ang dahilan ng lahat! Sa huli ay ang mga tao pa rin namamatay ng walang kalaban-laban. Ang mga tao pa rin ang naiipit sa gulo dahil sa inggit at maling akala. Wala silang ibang gusto kundi ang mabuhay ng malaya! Bakit ipinagkait pa iyon sa kanila? K-kasalanan ba na ipinanganak ka bilang isang tao? Bilang isa sa mga mahihinang nilalang sa mapait na mundong 'to?!
Nagkamali ako. Kinasusuklaman kong may dugo akong bampira. Kinasusuklaman kong ipinanganak ako sa mundong 'to. Kung maibabalik ko lamang ang oras ay ipinapangako kong wala dadanak na dugo mula sa mga inosenteng tao. Tama na 'yung huli. Si Uno at si Myze na lamang ang natitirang tao sa mundong 'to kaya gagawin ko ang lahat upang protektahan sila.
Kinuha ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg. "Mga bampira ang may kasalanan ng lahat. Kaya ba pumili ulit ang dyosa ng bagong tagapangalaga dahil nagsisisi siyang wala man lang ginawa upang pigilan ang kaniyang kapareha? Bakit pa ako at ang kakambal ko ang napili niya? May mga dugo kaming bampira at hindi ko alam kung kakayanin ko 'to. Masyado na akong maraming ipinagdaan, hindi ko kaya ang bigat ng resposibilidad bilang isang dyosa."
Hinawakan ni Claire and kamay ko at sinalubong ang aking tingin. "Alam kong may rason ang dyosa kung bakit ka niya pinili. Alam niya ang kaniyang ginagawa kaya magtiwala ka sa kaniya..."
"There's something I need to do first," wika ko.
"Ito ba ang dahilan kung bakit pupunta ng Criena?"
Tumango ako.
"I need to find the vampire that can reverse the time, the moon goddess Leone said that she's the one that can help me."
Kapwa kami napalingon nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Cyd na hinihingal habang nakahawak sa sedura ng pinto. Bakas ang pag-aalala nito sa mukha niya.
"W-we have a problem," kabado niyang sabi. Nanlaki ang mga mata at napatingin kay Claire na gulat na gulat din.
"Nandito ang mga Ravenna..."
-Lucky_Nineteen
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...