K A B A N A T A 13

7 0 0
                                    


[Kabanata 13]

"Save your sister, Isabelle..."

Pauli-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang sinabi ni Khalil. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng kabayo upang makarating ako agad ng Criena. Hindi ko maiwasang mag-aalala kay Khalil sa kabila ng galit ko sa kaniya. Alam kong may pagkakamali ako, masyado akong nabulag sa galit at hindi siya pinakinggan.

The moment he said that my sister is alive, it immediately gave me hope. Ayaw ko siyang iwan dahil mabilis na kumakalat ang lason. I know that pain, I felt that... pero siya ang nagpumilit sa akin na umalis at iligtas ang aking kapatid.

Napalingon ako sa puting ibon na lumilipad sa aking unahan. She's Hiro's familiar—Meira, ang sabi sa akin ni Hiro ay siya ang makakapagturo sa akin kung nasaan ang kapatid ko. Gulong-gulo pa ang isip ko sa lahat ng nangyari pero iisa lang ang gusto kong mangyari ngayon—hindi ko hahayaang paghihiwalayin ulit kami ng tadhana.

Hinila ko ang renda ng kabayo upang patigilin ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang buong paligid. Katulad sa unang nayon na nadaanan ko ay wasak rin ang mga bahay at nagkalat ang mga bangkay. Ginapangan ng kaba ang aking dibdib pero mas nanaig sa akin ang kaligtasan ng aking kapatid.

Hintayin mo ako, Danne...

Umingay ang ibon dahilan kung bakit napatingin ako sa kaniya. Ipinagaspas niya ang kaniyang pakpak at mabilis na nagtungo roon. Ipinatakbo ko muli ang kabayo at sinundan siya.

"Déjà vu, huh?"

Napalingon ako sa paligid nang marinig ko ang isang boses.

"S-sino ka?!"

"Hindi ba pamilyar sa'yo ang eksena na 'to? Tumatakbo ka rin upang iligtas ang iyong ama."

Napapikit ako ng mariin. "Get out of my head!"

"You can't save your sister..."

"Ahh!" malapit na kaming bumangga sa isang puno kung hindi ko hinila ang renda. Nabigla ang kabayo sa paghila ko kaya agad siyang nagwala at tuluyan akong nahulog sa lupa. Sa pag-angat ko ng tingin ay nag-iba ang paligid.

Umaga palang bakit biglang gumabi agad?

Puno na ng mga kahoy ang lugar at wala na yung kalsada na tinatahak ko. What the hell! Where am I?!

Maraming nagsisigawan at nagtatakbong mga nilalang. Ang iba ay sobrang pamilyar sa akin.

"Isabelle!"

Napakunot ang noo sa lalaking tumawag sa akin. "Mang Alcon?"

"Kasama mo ba si Myze? Hindi ko siya mahanap!"

Umawang ang bibig ko sa labis na pagtataka. Myze's father is already dead, bakit nakikita ko siya ngayon?! Unti-unti kong pinagmasdan ang paligid kasabay ng panlalaki ng aking mga mata.

B-bakit nandito ako sa aming kampo?!

"Isabelle, tumakas na tayo. Masyadong marami ang mga mangkukulam!" may humila sa aking dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

"N-niel?" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. N-nandito ba talaga siya ngayon? Tumulo ang luha ko at agad siyang niyakap.

"Niel! Akala ko ay hindi na kita makikita ulit," masayang sabi ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "P-paano ka—" hindi na nasundan pa ang dapat kong sasabihin nang rumehistro sa akin ang lahat.

Napaatras ako at napailing sa kaniya. "Y-you're not real..."

"Of course I'm real, nahahawakan mo kaya ako," nakangiting wika niya. Muli kong inikot ang paningin sa paligid. This is not real... this is not real...

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon