K A B A N A T A 7

33 2 0
                                    


[Kabanata 7]

"Magpaalam na kayo sa minamahal niyong tao." tuluyan ng naglaho ang mangkukulam na iyon. Patuloy na umiiyak si Maxine habang napamura naman ang mga Ravenna.

"No.." inangat ni Maxine ang kamay ko at nakitang umaakyat sa aking braso ang pamamaga. "Hindi maaari.."

Lumuluha siyang humarap kay Van.

"C-can you do something about it? H-hindi ba't kaya mo naman tanggalin ang lason sa katawan ng isang nilalang? Do it, p-please." pagmamakaawa niya.

"Maxine.." tawag ng mga kapatid niya sa kaniya.

"Please tell me! Magagawan mo 'to ng paraan hindi ba?" nanginginig ang boses niya.

Yumuko at umiling ang prinsipe." I can't, I'm sorry. Kumalat na sa katawan niya ang lason, mahihirapan na akong tanggalin ito. At kung ipipilit ko ang aking sarili ay lalamunin ng katawan ko ang lason at paulit-ulit akong papahirapan nito."

Napamura ulit ang mga Ravenna. Tumulo ang luha ko at umiling sa kanilang lahat. Masakit man sa dibdib ang aking narinig ay kailangan kong tanggapin ito. Mapait akong ngumiti, hindi ko akalaing ganito magtatapos ang aking buhay. Ni hindi ko man lang nagawang iligtas si papa.

Nagpapasalamat ako sa mga Ravenna dahil kahit tao ako ay nagawa nila akong tulungan at niyakap na parang isang pamilya. Lalo na si Maxine, ipinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa. I'm sorry that I ruined your party..

Tulala akong nakatitig sa kanilang lahat at sa huling pagkakataon ay ngumiti ako bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata.

"Isabelle.." napamulat ako dahil sa boses na narinig ko. Madilim ang buong paligid at halos wala na akong makita. Bumangon ako at naramdaman ko ang mga patay na dahil sa aking paligid.

Nasaan ako? At nasaan ang mga Ravenna? Hindi ba't namatay na ako? Ano'ng ginagawa ko sa madilim na lugar na 'to?

"Isabelle," napalingon ako sa muling pagtawag sa aking pangalan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang magandang babae at nagliliwanag ang buo niya katawan. Ngumiti ito sa akin at biglang nagliwanag ang buong paligid.

"Sino ka? Bakit ako nandito?" tanong ko sa kaniya. Napapalibutan kami ng maraming salamin na may iba't-ibang hugis at laki. Humakbang naman siya papalapit sa akin pero umatras ako.

"Wag ka matakot sa akin, Isabelle. Ako ang nagligtas sa'yo,"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Naglitas sa akin? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nasa bingit ka na ng kamatayan dahil sa lason kumakalat sa katawan mo. Pumasok ako sa katawan mo at binigyan ka ng pangalawang buhay." pahayag niya. Muli itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Bakit mo ginawa 'yun? Sino ka ba?" naguguluhan kong tanong.

"Ako si Leone, ang dyosa ng buwan. Narinig ko ang iyong hinaing at naramdaman kong lubos kang nasasaktan kaya sa tulong ng liwanag ng buwan ay madali akong nakapasok sa iyong katawan. Palagi kitang inaabangan simula pa nung dinadala ka pa lang ng ni Malia sa sinapupunan niya."

Tumalon sa tuwa ang puso ko nang ibinanggit niya ang pangalan ng aking ina. "Kilala mo ang aking ina?"

Hindi ko akalain na ang isang dyosang tulad niya ay kaibigan ang aking ina. Napakaswerte naman niya.

Tumango siya sa akin. "Magkaibigan kami ng iyong ina. Sa tuwing nalulungkot ako ay bumababa ako mula sa buwan upang makipag-usap sa kanya. Katulad mo ay may ginintuang puso rin siya."

Gusto kong maiyak sa labis na tuwa dahil sa aking narinig. Ni minsan ay hindi ko narinig kay papa ito. Hindi siya nagkwento sa aking tungkol kay mama, kaya halos wala akong alam tungkol sa kaniya. Masaya ako dahil may isang nilalang na nakakaalala pa rin sa kanya kahit na hindi na siya nabubuhay sa mundong 'to.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon