[Kabanata 9]Sa sandaling nag-iba ang paligid ay alam kong wala na akong takas. Kahit anong gawin kong pagtakbo, bumabalik at bumabalik pa rin ako. I cannot escape in Cyd's memory.
Sa isang silid kami dinala ng alaala niya. He was playing hide and seek with his sister when he accidently went to his uncle's room. Nanatili siyang nakatago sa malaki nitong cabinet habang inaantay na mahuli siya ni Claire.
Hindi niya namalayang nakatulog siya sa loob nun at pagkagising niya ay sumilip siya sa tatlong boses na nasa loob ng silid na iyon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Haring Gideon kasama si Haring Drakus at isang lalaki na sa tingin ko ay ang namayapang ama nina Cyd at Claire—si Haring Alias. Napatingin ako kay Cyd na nasa tabi ko lang. Umiwas siya ng tingin at lumabas ng silid.
A-anong ginagawa ni Haring Gideon dito?
"Masaya ako at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon Haring Gideon," sumimsim sa kaniyang kopita si Haring Alias.
"Masaya rin ako, Haring Alias. Bata pa ako nung huling punta ko rito." ngumiti ang dating hari ng Valhalla.
Halos tulala akong nakatingin sa kaniya. Iba ang aking pakiramdam na ngayon ay nakikita ko siyang buhay kumpara sa larawan na nakita ko sa tindahan ni Lorkim. May pinagmanahan ang mga Ravenna. Kuhang-kuha ni Khalil ang mata ng kaniyang ama. Nakuha naman ni Enzo ang kaniyang ngiti. Nakuha ng kambal ang kaniyang pagngisi. Ang seryosong titig ni Nicholas, ang tindig at kilos ni Simon, at ang mga mata ni Hiro.
Kahit hindi niya ako nakikita ay gusto kong lumuhod sa kaniyang harapan ng paulit-ulit. Kahit parte lamang ito ng nakaraan ni Cyd ay hindi maiwasang humanga sa kaniyang kakisigan, maging ang malakas na presensiya.
"Maraming nagbago sa imperyo niyo ngunit asahan niyo ang aking tulong sa lahat ng bagay."
"Maraming salamat, Haring Gideon."
Nag-uusap si Haring Gideon at Haring Alias tungkol sa kanilang imperyo. Ang kanilang mga tradisyon, kultura, mga paniniwala, batas at panunungkulan. Nakinig lamang ang kapatid ni Haring Alias na Drakus Morgan, ngunit sa mga mata nito ay inggit at planong hindi maganda.
Gusto kong balaan si Haring Alias pero wala akong magawa. Nasasaktan ako tuwing bumabalik sa isip ko na parte ito ng nakaraan at ang magagandang bgiti nito ay kailanman hindi ko na masisilayan sa kasalukuyan.
"Father, I'm tired now, can we stop?"
Nakahiga sa hita ng hari ang prinsipe habang tamad itong ibinaba ang hawak na libro. King Alias pinched his cheek and smiled that made my heart melt. Strikto siya sa unang tingin ngunit pagdating niya sa kaniyang mga anak ay napakalambot nito.
I suddenly remember my dad. He used to pinch my cheeks when I'm getting annoyed.
"We're only just getting started, Cyd."
"But learning all of this is making my head hearts. Hindi naman po ako ang susunod sa trono, you should be teaching Claire instead, siya naman ang mas matanda."
"Even though you're not the crowned heir, you should still be learning. You'll never know what's gonna happen in the future," wika ng kaniyang ama.
"Do you think I'll be King someday?" inosenteng tanong ni Cyd.
"King or not, you're my son. Be kind and serve the people right. Give justice to the people who can't. Listen to your people and always remember that violence doesn't solve everything."
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...