[Kabanata 39]"W-what?!" nalaglag ang tinapay na sanang kakainin ni Casper nang marinig ang sinabi ni Maxine. Casper, Caspian, Nicholas, Simon, and Hiro were happily eating when Maxine came in and told them what they will do to get her attention back.
"Are you serious, lil sis?" tanong ni Nicholas.
"That's too much!"
"What? You said you would do everything, bakit tila'y nababahala kayo? Ayaw niyo na? Fine, madali akong kausap."
Tatalikuran na sana ni Maxine ang lima nang sabay-sabay na umangal ang mga ito. Her lips curled into a smirk before facing her brothers. Hindi na maipinta ang mukha ni Hiro, Caspian, at Simon.
Tinutuo nila ang mga sinabi nila sa akin. Nicholas brought flowers and placed it to her room but Maxine threw it all away. Casper bought a whole store of milktea but Maxine gave it to their people, habang ang mga alahas naman ni Hiro ay ibinigay ni Maxine kay Van na mahilig sa mga alahas.
Bumisita rin si Beaumer gaya ng sabi ni Caspian ngunit isang lumalagitik na sampal ang namayani sa buong palasyo. Maxine didn't leave her room after that at mas lalong nagalit sa kanyang mga kapatid. Ngayon lamang siya lumabas at ito ang bungad niya sa kanyang mga kuya.
"Lil sis, tanggap ko na magiging alipin mo ako, but fighting five chimeras without powers? Imposible 'yang sinasabi mo, mauna yata kaming mamamatay doon," naiiling na wika ni Caspian.
"I agree. Madaming luluhang mga babae kapag nawala ako." napangiwi kaming lahat sa sinabi ni Nicholas. Agad naman siyang binatukan ni Casper.
"Shut up, Nicholas. Walang iiyak na babae sa'yo, sobra ka pa kay Van at Saint sa pagiging mahangin."
"I'm fine with it." nagkibit balikat si Simon.
"Same." dagdag ni Hiro.
The three of them glared at Simon and Hiro for agreeing to the deal. Pumalakpak naman si Maxine.
"It settled. Bukas na bukas ay sasabak kayo sa laban."
"Wait, that's not fair! Two over three? Mali yata 'yun." pinagkrus ni Casper ang mga braso niya.
"Oo nga, lamang kami ng isa," sabat ni Caspian.
Tumango lamang si Nicholas bilang pagsang-ayon. Naniningkit naman ang mga mata ni Maxine sa tatlo. She raised a spoon and bend it while glaring at them.
"Papayag kayo o papayag kayo?"
Napalunok si Caspian at napatikhim. "A-ano ba kayong dalawa, sabi ko nga sa inyo mas mabuting makipaglaban na lamang tayo sa mga chimera. Mas masaya kayo 'yun!"
Siniko niya pa sina Casper at Nicholas na parehong kumunot ang noo. Napatawa naman sina Hiro at Simon.
"Tiklop kay Maxine," natatawang sabi ni Simon.
"What the fuck, Caspian? Akala ko kakampi kita," ani ni Casper.
"Traitor." dagdag ni Nicholas.
"Come on, brothers. It's not that hard! Mga chimera lang 'yun, mga bampira tayo na makikisig."
"Maxine, you know how Khalil will disapprove it. Lagot kami nito sa kanya," pagsabat ni Nicholas.
"Don't worry, I already asked Kuya Khalil. Pumayag siya."
"What?"
"Seriously?"
Sunod-sunod na daing nina Casper at Nicholas.
"H-how did you—oh, I get it. Our eldest brother's spoiling you again." napasubsob si Nicholas sa lamesa.
"That's what get you for being the only princess." Maxine flipped her hair.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...