K A B A N A T A 42

4 1 0
                                    


[Kabanata 42]

"Used by vampires to titillate..."

Kung kanina'y namumula ang mukha ko sa galit, ngayon naman ay dahil sa labis na kahihiyan.

T-to titillate? Enzo lied to me?

"Yes, Enzo lied to you," kaswal na sagot sa akin ni Khalil na nasa ibabaw ko pa rin. Mariin akong napapikit. Papaano nangyari 'to? Galit lamang ako sa kanya kanina...p-paano?

"Lesson learned, don't trust my brothers."

"Let me go, Khalil. Galit pa rin ako sa'yo, don't turn the table around." matigas kong wika sa kanya.

"Balak mong ipainom sa akin 'yan, hindi ba? Bakit parang nagdadalawang-isip ka? Ayaw mo ng magpakagat?" pang-aasar niya.

"Hinding-hindi ako magpapakagat sa'yo! Pare-pareho kayo ni Enzo, kung gusto mong kumagat atakehin mo 'yung prinsesa, tutal mukhang mas gusto mo 'yung dugo niya." umirap ako sa kanya.

"Galit ka pa rin ba?"

"Hindi pa ba halata?"

"Mahal na dyosa naman..." ngumuso siya. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinalikan iyon. "What would you do if I die of thirst? Hmm? Hindi mo pa rin ba ako paiinumin?"

Umawang ang labi ko sa pag-iinarte niya.

"Hindi! Bahala ka mauhaw!" sigaw ko sa kanya.

"What can I do to please my queen? Hmm?" bigla siyang nawala sa harapan ko at natagpuan ko na lamang siya sa aking likuran. He wrapped his arms around my waist and rested his chin on my shoulder.

"Stop bothering me," masungit kong tugon.

Isang tikhim ang nakapalingon sa amin sa pinto. Bumungad sa amin ang nakangising si Casper, sumunod na sumilip ang ulo ni Caspian

"Nakadisturbo ba ako?"

"What the hell you two want?" tanong ni Khalil.

"There's a letter from Epiro Damian sealed with black ribbon. You know what that means, my king. May suliranin sila," sagot ni Casper.

Kumunot ang noo ng Hari ng Valhalla at bumaba upang buksan ang sulat na nasa kamay ng kanyang kapatid. He broke the seal and read the letter. Mas lalong kumunot ang noo niya sa pagbabasa ng sulat, habang tahimik lamang kaming dalawa ni Casper sa gilid.

"Casper, ready my horse." utos ni Khalil.

"Right away, Your Majesty." yumuko si Casper bago nagpaalam.

"I'll be back, Isabelle. Sana'y sa pagbalik ko'y hindi ka na galit sa akin," malumay na pahayag niya bago tumulak palabas ng aking kwarto.

"Uh oh." napaangat ako ng tingin sa boses na iyon. Hindi ko namalayang hindi pa pala nakaalis si Caspian.

"Mukha namumutla ang mahal na hari? Hindi mo ba siya binigyan ng iyong dugo, mahal na reyna? Manghihina siya..."

"Hindi pa naman nakakatagal ang isang Ravenna na hindi uminom ng dugo, baka mamatay siya sa pagka-uhaw," dagdag pa niya.

"Hindi ko kasalanan kung ayaw niyang uminom ng dugo mula sa pinagkukunan niyo."

"Ngunit posible siyang nawalan na malay at ilang araw na mararatay sa kama. Mas magiging delikado 'yun."

Marahas akong napalingon sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon