[Kabanata 38]Ilang ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Dyosa Leone sa hardin. Hindi ko na lamang na basta ito tanggapin! I need to do something. Mga Ravenna na ang pinag-uusapan dito. They've been good to me, lahat ay ginawa nila para sa akin. This time, ako naman ang tutulong sa kanila.
Their love fore each other is beyond everything. Kapag nakataya ang buhay ng isang nilang kapatid ay hindi sila magdadalawang-isip na tulungan ito. I witnessed it so many times already, nag-aaway man sila minsan sa huli'y hindi rin nila matitiis ang isa't isa at magbabatian.
Kasalukuyan akong nasa silid-aklatan kasama ang mga Ravenna na naglalaro ng ahedres. Magkalaban ngayon si Maxine at si Casper habang nanonood naman sina Nicholas, Simon, Caspian at Hiro. Si Khalil naman ay libre ngayon kaya napagpasyahang makisama sa mga kapatid niya at tahimik na nagbabasa ng libro.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko ngayon. They all looked so happy. Para lamang silang simpleng magkakapatid na nakatira sa gitna ng kabundukan. It's rare to see them bond with each other lalo na't sunod-sunod ang mga problemang kinaharap nila.
"Maxine move that pawn to the left," bulong sa kanya ni Caspian, at dahil hindi pa masyadong marunong si Maxine maglaro ay sinunod nito ang sinabi ng kapatid. When she move her pawn to the left I saw Casper smirked and move his pawn to eat it.
Umawang ang labi ni Maxine nang makain ang kanyang kawal.
"What the hell, Kuya?" singhal ni Maxine kay Caspian. Pinagpatuloy nila ang paglalaro nang sunod na tumira ay si Maxine.
"Move your queen, Maxine." si Nicholas naman ngayon ang bumulong sa kanya.
"I don't trust you. Makakain ang tauhan ko!"
"No, your horse will not be eaten. Trust me." ngumisi sa kanya si Nicholas. She huffed and move her queen just like her brother said.
"See? Your horse didn't get eaten."
Tahimik lamang si Casper kahit na tinuturuan nung apat si Maxine. Laking-tuwa ni Maxine kapag nakakain niya ang tauhan ni Casper na lihim ring ngumingiti kapag pumapalakpak si Maxine. Kahit si Khalil ay napapasulyap at napapangiti sa mga kapatid niya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanya ang tungkol sa mangyayari sa isa sa kanila. I couldn't bear to, alam kong marami pa siyang problema ngayon at ayaw kong makadagdag doon. I can handle this, saka ko na lamang sasabihin kapag nalaman ko na kung sino ang mawawala sa kanila.
Nagulat kaming lahat nang biglang itinaob ni Maxine ang lamesa kung saan sila naglalaro ni Caper. The chess pieces fell as she stand up face her older brothers. Masasamang tingin ay ipinukol niya sa mga ito saka tahimik na umalis.
The next thing I heard was the sound of a book that closed. Napatalon ang lima sa gulat ngunit nanatiling tahimik.
"You five. Anong ginawa niyo sa kapatid natin?" tanong nito sa seryosong boses at isa-isang binigyan ng matatalim na tingin ang mga kapatid niya.
"Ito kasing apat na 'to. Kanina pa nila tinuturuan si Maxine kahit mali-mali naman. Natalo tuloy, ayon nagalit," sagot ni Casper habang nakaturo sa apat.
"You're also cheating! Alam mo hindi namin napapansin 'yun?"
"Kasalanan niyo pa rin. Kanina niyo pa siya binubulungan."
"That's enough." natahimik silang lahat nang magsalit si Khalil. "You five, apologize to her right now."
"Help us, Khalil." Caspian pleaded.
"No."
"Come on! Kapatid mo rin 'yun."
"Alam niyo naman na iba magalit si Maxine. Solve your own problems, malalaki na kayo." tinalikuran sila ni Khalil
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...