At last! We are finally here. Thank you so much for making this far. Would this be the end? Of course not! I'm just warming up. Magkikita pa tayo sa pangalawang libro. Enjoy reading![Epilogue]
Sa tuluyang pagbitaw ng aking mga kamay, sinaubong ko ang mga mukha ng daan-daang nilalang na nakaligtas at naging parte ng digmaang ito. Mula sa kawal ng Valhalla, Epiro Damian, Bihari Ino, at Higaro Sansua. Hanggang sa pinakamalakas na mga bampirang pamilya na hindi sumuko sa labang ito.
Sabay-sabay silang tumindig sa aking harapan kasama ng naniningas nilang mga mata'y kapwa silang yumuko sa akin. Sunod-sunod na tunog ng trumpeta ang kumawala sa paligid. Ang watawat ng Valhalla ay itinaas nila na sumabay sa agos ng hangin.
"Our goddess..."
Tapos na. Tapos na ang digmaan...
Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin sa nagdidilim na kalangitan. Marahan kong hinaplos ang mukha ni Khalil bago tumango kay Enzo. Ang mga ibon na halos wala kanina ay unti-unting nagsidatingan at piniling sumampa sa mga nakatayong puno.
Nang itinaas ko ang aking kamay ay higit silang yumuko sa akin. Ipinadama ko sa kanila ang kapangyarihan ko. Ang mga pinsalang iniwan ng digmaan ay nagsimulang umayos. Ang sugatang mga kawal ay inalalayan ang isa't isa.
Nagawang tumulong rin ng ibang mga bampira na tanggalin ang mga sagabal sa daan kasabay ng paghilera ng mga kawal. Ang walang buhay na katawan ni Khalil ay nagsimulang isakay sa malaking kahoy.
Ang mga mamayan na nakasaksi sa laban namin ng hari'y dahan-dahang lumapit. Lahat sila'y yumuko at nag-alay ng mga bulaklak. Ang parada para sa kanya'y pinasimunuan ni Loah. Ang iilan ay napaluha at piniling sumama bilang pagrespeto.
"Mahal na reyna." lumapit sa akin si Enzo. Hindi ko magawang makatingin sa kanya o sa kahit sinong Ravenna. Nakayuko silang lahat nang dumaan sa kanila ang katawan ni Khalil na bitbit ng mga kawal.
Ang mga patay na simbo ay bumuhay sa daanang tinatahak pabalik ng Valhalla. Maraming mga bampira ang sumabay sa amin ngunit mas pinili kong maiwan sa likod. I want them to see their king. I want them to know how good he is, just like his father.
Kung paano siya lumaban para sa imperyo. Kung paano siya lumaban para sa akin.
"Let's go, Isabelle..." hinawakan ni Enzo ang aking kamay.
"Umuwi na tayo, mahal na reyna..." mahinang usal niya.
Hindi ako umalis sa aking pwesto. Wala akong lakas upang ihakbang ang aking mga paa. Naramdaman ko ang presensya ng ibang Ravenna. Ang sugatang sina Maxine at Caspian ay kapwa ring hinawakan ang aking kamay. Tahimik naman sa ibang tabi sina Hiro, Nicholas, Simon at Casper.
"Isabelle..."
"Mahal na dyosa..."
Isa-isa nilang pagtawag sa akin.
Sa sandaling tumahimik ang paligid ay doon na bumuhos ang mga luha ko. Hinayaan ko ang sariling lumuhod sa kanilang lahat na labis nilang ikinagulat.
"P-patawarin niyo ako... patawad..." halos hindi ko na marinig ang aking sarili. "I-I let him die... our king... your brother..."
Lumuhod si Maxine at niyakap ako. Hindi siya nagsalita at hinayaan lamang akong umiyak sa kamay niya, ganun din ang ginawa nilang lahat. Lumuhod silang lahat upang yakapin ako, upang ipadama sa akin na hindi ako nag-iisa.
Mula sa malamig na hangin ay isang mainit na yakap mula sa mga unang pamilyang tumanggap sa akin.
"Handa ka na ba, mahal na reyna?" kumatok sa aking silid si Maxine. Nakabihis siya ng pormal na puting kasuotan bilang pagsunod sa tradisyon ng kanilang imperyo. Hindi ako sumagot at nanatiling nakatanaw sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...