K A B A N A T A 29

4 0 0
                                    


[Kabanata 29]

Sa patuloy na pagrami ng mga kawal na nakapalibot sa amin ay hindi nawala sa dibdib ko ang pangamba. Yes, we have powers back now since the mist is completely gone but this many soldiers? Mabibilang lang kami sa aking mga daliri, kung tagumpay man kaming makakatakas dito'y paniguradong hindi kami makakarating agad sa Valhalla.

"Who are these vampires?" narinig kong tanong ni Blaise na sinundan ng pagsinghap ni Thania.

"Soldiers from Bihari Ino. N-no... no.. They've found me..."

Isang pangkat ng mga kawal ang humanay kasabay nang paghati at doon ay sumalubong sa amin si Drakus Morgan. Taas noo itong nakatingin sa amin sakay ang kaniyang kabayo. Ang mga lalaki naming kasama ay nasa unahan habang kami nina Freya't Thania ay nanatili sa likuran.

"Pagbati, mga prinsipe ng Valhalla at prinsipe ng Epiro Damian. Lalo sa inyo, mahal na dyosa." tumigil ang mata niya sa akin na kinaatras ko.

"Natagpuan niyo pala ang taksil sa aking kaharian," wika nito sabay tingin kay Thania.

"Kumusta naman bilang bato ang iyong kapatid?"

May namumuong luha sa mga mata ni Thania ngunit nanatiling nananaliksik ang mga mata nito sa hari. "Hindi ka pa rin ba titigil? Hanggang kailan mo ba ako balak na lubayan?!"

Humalakhak ito. "Hindi ikaw ang pinunta ko dito, inutil na inapo ng dyosa. Narito ako upang kunin siya."

Ang pagturo niya sa akin ang bumuhay sa alerto ng mga kasama ko. Nakalabas na ang pangil nila at handa ng sumugod. Hindi niya man sabihin ay halata na sa kaniyang mukha ang sadya niya sa akin. Hindi siya nagtagumpay na maging asawa si Thania kaya ako ngayon ang kinukuha niya.

Hanggang ngayon ay puno pa rin ng kasakiman ang damdamin niya. Mula sa pagpatay sa kaniyang kapatid, ang pagdamay kay Khalil sa mura nitong edad, ang planong pagpatay sa mga pamangkin nito, ang pagsira niya sa buhay ni Thania at Tash—ngayon naman ang pag-aangkin niya sa akin bilang asawa niya?

Magkakamatayan na ngunit kahit hibla ng buhok ko'y hindi ko ipapahawak sa kanya.

"Alam na ng lahat kung sino ang mananalo sa darating ninyong pag-iisa, at sa sandaling iyon ay kukunin kita ang gagawing reyna ng Bihari Ino."

Hindi ko maiwasan ang pagtaas ng aking kilay.

"Masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili, Haring Morgan. Nasa amin si Isabelle, hindi mo siya pagmamay-ari," matigas na tugon ni Enzo.

"Then, who is she belong to? Your King, who's mateless?" napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya. Wag niyang idadamay si Khalil dito.

"Our King is not mateless." si Nicholas.

"Nagpapatawa ka ba, mahal na prinsipe? The priestess told me herself, ipinanganak na walang kapareha ang inyong kapatid."

Napayuko ako. Hindi pala sinabi ni Khalil sa mga kapatid niya ang totoo.

"Y-you!—" akmang susugod si Caspian sa hari.

"Caspian, he's telling the truth."

Napatigil silang lahat at napatingin sa akin. Ang hindi ko talaga gusto ang maipit sa ganitong sitwasyon. Hindi dapat ako ang magsasabi sa kanila tungkol sa bagay na ito. I made a promise to Khalil, hahayaang kong siya ang magsasabi sa kanyang kapatid.

"What?" narinig ko si Blaise

"See? Even your Goddess knew."

"When?" matigas na tanong ni Enzo.

Napabuntong hininga ako. "After the coronation..."

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon