[Kabanata 15]Dati ay naiingit ako kay Myze at Niel dahil may mga kapatid sila. Mag-aaway, magkakasagutan man, at magtatampuhan—sa huli, sila pa rin ang magkakampihan. Hiniling ko dati na sana may kapatid rin ako na pwede kong matakbuhan sa oras ng problema.
I want to feel what's like to have a sister or brother. To have a partner-in-crime and a best friend. Pero kahit ganoon ang nararamdaman ko ay hindi ipinaramdam ng tatlong kong kaibigan na wala akong kapatid. They always treat me as their younger sister, kahit magka-edad lang kami. Lagi nila akong sinasama sa mga kalokohan nila, at sa tuwing nahuhuli kami ni papa ay pinagtatakpan nila ako.
Masaya ako, pero iba pa rin pagsarili mong kadugo. Kung dati ay hinihiling ko lang ito sa langit, ngayon ay hindi ko akalaing matutupad.
"A-ate...?"
Natulala ako sa kaniya peo nagawang kumunot ang noo ko. Hindi niya dapat ako makilala dahil kinuha ko ang katauhan ni Freya. Paano niya nalaman na ako 'to?
"She's your twin sister, Isabelle. May koneksyon kayong dalawa kaya madali niyang nakilala kahit na iba ang katuhan mo sa mata ng nila." sagot ni Freya sa aking isipan.
"A-ate Isabelle, ikaw ba 'yan?" nangangatal ang boses niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha.
"D-danne.." my tears immediately broke out. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong malaman niya kung gaano ako kasaya nang makita siya. Hindi ko inaakalang darating ang panahon na makilala ko ang isa ko pang pamilya.
She resembles father a lot. Maiksi ang buhok niya at mapupungay ang kaniyang mga mata. We share the same almond eyes.
Ang ganda ng kapatid ko.
Niyakap ko siya kahit na may bakal na rehas sa gitna naming dalawa. Niyakap ko siya nang mahigpit na halos ayaw ko na siyang pakawalan.
"I'm sorry, Danne..." wika ko habang nakayakap sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko bago humiwalay. "Wala kang kasalanan, ate. Wag mong sisihin ang sarili mo."
Pinunasan ko ang aking mga luha. "Itatakas kita dito."
Tumayo ako at mabilis na nilibot ang kabuuan ng silid. Lumapit ako sa lamesa na naroon upang hanapin ang susi ng kandado pero wala doon. Tinignan ko rin sa mga nakahilerang mga garapon at mga libro pero wala din doon. Sinubukan kong gamitin ang aking lakas upang buksan ang selda pero napamura ako dahil katulad doon sa selda ng mga bata ay may mahika rin ito.
Halos magwala ako. Sinubukan kong tawagin si Freya pero hindi ko nararamdaman ang presensiya niya, hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Tila'y naputol ang koneksiyon naming dalawa.
"Paano mo ako nahanap?" tanong niya.
"Khalil told me, ngayon ko lang din nalaman ay buhay ka," sagot ko.
Napayuko naman siya. "I'm sorry, they said that it's best for us not to meet. Masyadong delikado pag nagsama tayong dalawa."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "You knew everything? All this time?"
Why do I feel so betrayed?
"I'm sorry..."
Hindi ako nagsalita. Marami pa akong gustong itanong sa kaniya pero alam kong wala na kaming oras. Gusto kong sabunutin ang sarili ko pagiging tanga. Ako lang pala ang hindi nakakaalam ng lahat.
Hanggang kailan sila maglilihim sa 'kin? Pagod na pagod na ko!
"We have to get out of here." malamig kong tugon. Pumikit ako sa sinubukang gamitin ang kapangyarihan ni Freya. Itim na usok ang lumabas sa aking kamay patungo sa kandado. Umikot ito at pagkailang segundo ay unti-unting natutunaw ang kandado.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampiriWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...