K A B A N A T A 41

5 0 0
                                    


[Kabanata 41]

Mas lalo ko naramdaman ang pag-iinit ng aking mukha. Enzo with his grin, just laugh at my reaction.

"E-enzo!" singhal ko sa kanya.

"What? It's normal, you're mates. Isa pa Khalil is already the king, it's your responsibility to give him an heir."

"Still! Sa'yo ko pa talaga narinig ang bagay na 'to. We haven't talk about yet," nahihiyang wika ko.

"Okay," he shrugged. "I won't force if you're not ready but you must remove that mark as soon as possible. Hindi natin alam ang maaaring mangyari kapag nagtagal 'yan."

Huminga ako nang malalim. "Then, what am I gonna do? It's not that I'm not ready... siya lang naman ang hinihintay ko."

Mas lalo akong napayuko sa mga pinagsasasabi ko. Gosh! Bakit ko ba sinasabi sa kanya? Baka sabihin niya 'to kay Khalil. It's true that we haven't talked about it yet, at alam kong binibigyan niya ako ng pagkakataon para maging handa.

"You're too innocent, baka matakot ka kapag bigla ka niyang aatakehin," naiiling na sabi ni Enzo.

"I'm not innocent!—and what's with the 'aatake'? Ganu'n ba kayong mga Ravenna? Ang hilig niyo gumamit ng ibang salita."

Napatawa si Enzo sa tinuran ko. He laughed so hard that some bampires were eyeing at us.

"Atake—w-what? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, mahal na dyosa..." napapunas ng luha si Enzo na natatawa pa rin.

"I'm serious, Enzo Chase Ravenna! Bakit mo ako tinatawanan?" I scowled at him.

"Wala..." he annoyingly grinned. He took something out of his pocket and showed it to me. Inside a black pouch is a small elegant bottle.

"Ipainom mo 'to sa kanya."

Kumunot ang noo kong nakatitig sa bote. "Para saan 'to?"

"It's his favorite drink. It helps him cool down if he suddenly want you to—you know... attack..." tumaas-baba pa ang kilay niya,

"Seriously Enzo!"

Mabilis siyang lumayo sa akin habang nakataas ang mga kamay. "Alright! Alright, I won't tease you anymore."

Itinago ko sa aking bulsa ang bote at bumalik sa aking ginagawa. Tinotoo nga ni Enzo ang sinabi niya dahil hindi niya na ako kinulit hanggang sa matapos ako sa pamimigay ng tulong sa mga mahihirap na bampira.

Sabay kaming bumalik ng palasyo at palagi niyang pinapaalala sa akin na ipapainom ko kay Khalil ang laman ng boteng binigay niya. Tinignan ko muna kung naroon siya sa kanyang opisina ngunit wala siya roon. I even looked in our room but he's not there either.

Nasaan ang mahal na hari? May pagpupulong ba siya ngayon?

May dumaan sa aking isang tagasilbi kaya agad kong tinanong kung nasaan ang hari. Tipid itong yumuko bago ako sinagot.

"Kausap po ng Haring Khalil ang kanyang mga panauhin sa hardin. Kagagaling ko lamang po roon," sagot niya sa akin.

"Maraming salamat." muli itong yumuko bago nagpaalam.

Agad rin akong nagtungo sa hardin. Hindi pa ako nakakalahati sa paglalakad ay narinig ko ang malakas nilang hagikhikan sa pasilyo. Sinadya kong ikubli ang aking presensiya upang hindi malamang nasa malapit lamang ako.

They continued laughing until I reached there. I saw a girl sitting on one of the fountains while Khalil's standing in front of her. Mahina niyang hinahampas-hampas ang kanyang kamay sa braso ni Khalil.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon