K A B A N A T A 49

2 0 0
                                    


[Kabanata 49]

Wala akong tigil sa paghagulgol habang nakayakap sa katawan ng kaibigan ko. I couldn't think straight, gusto ko na lamang umiyak ng umiyak. Para na akong mababaliw, lahat na lamang ng nilalang na malalapit sa akin ay unti-unting kinukuha.

Ang gusto ko lang naman ay ang matapos 'to, bakit may kailangang magsakripisyo? Bakit kailangang may magbuwis ng buhay? Bakit kailangang mangyari 'to? Bakit?!

"B-bakit?! Bakit?!" napasigaw ako sa matinding sakit.

Halos gusto kong maglumapasay sa sahig sa matinding panghihina. Ang sakit-sakit ng dibdib ko at ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Para akong sinaksak ng daang-daang punyal.

Ang malamig na bangkay ng dalawa kong kaibigan ang mas nagpahina sa akin. Wala na akong tigil sa pag-iyak at anumang oras ay tila hihimatayin na ako. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko kung paano siya tumakbo at prinotektahan si Klea.

Sinalo niya ang sandatang papatay sa kanyang minamahal. Sa huli'y wala na naman ang nagawa upang iligtas ang aking kaibigan.

Isa, dalawa, tatlo... ilan pa? Ilan pang buhay ang mawawala ngayon?

"T-tama na... pakiusap..." gumagalaw ang balikat ko sa matinding pag-iyak. Isang anino ang yumukap sa kabuuan ko sabay hawak sa aking pisngi at pinaharap sa kanya.

"Tahana na... you're gonna be okay." ngumiti siya sa akin.

"U-uno..." I sobbed and buried my head on his chest. "S-si Myze, wala na si Myze... k-katulad ni Niel..."

"Shh..."

"K-kasalanan ko... kasalanan ko ang lahat ng 'to..."

"Hindi mo kasalanan, Isabelle... wag mong sisisihin ang sarili mo. Sigurado akong hindi matutuwa si Myze kapag malaman niyang sinisisi mo ang sarili mo sa pagkamatay niya."

Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking buhok. Natigilan ako nang bigla siyang humuni, it was our favorite song. We used to whistle it to comfort each other. Mas lalo akong napaiyak dahil doon.

Hinayaan niya akong umiyak sa dibdib niya. Nararamdaman ko rin ang saglit na pag-uyog ng kanyang balikat. Ang napakaganda niyang awitin ay nagpapakalma sa nagwawala kong sistema.

"As expected, napakahina ng dyosa niyo," panunuyang wika ni Freya habang sinasayad ang espada sa sahig, sanhi ng matinis na tunog. Ang mga kamay niya'y mariing nakahawak doon at anumang oras ay handa siyang kumitil muli.

Umigting ang panga ni Uno. Agad niyang iniharang ang sarili niya nang lumapit si Freya. Hinawakan ko ang kamay niya at mariing umiling. Hindi ko hahayaang ibuwis ang kanyang buhay para sa akin.

"'Yan ba ang babaeng gusto mo, Uno? Mahina?" umikot siya.

"Alam mo kung sino ang gusto ko, Freya."

"Kung ganoon ay sumama ka sa akin." inilahad niya ang kamay niya. "We can rule together. Mapapasaatin sa mundo na 'to."

Uno stared at her darkly. Tumayo ito at lumapit sa kanya. "I don't want to rule, Freya. I want you, only you. Hindi pa ba sapat na naririto ako sa tabi mo? I forgive you locking me up, but you pushed me too much. You killed my friend. Take over this world and what? You think you'll be happy? Sabihin mo sa akin, magiging masaya ka ba sa decision mo?"

"Oo! I will be very happy, Uno. No one will looked down on me. Tuluyan ko ng mapababa ang mga hangal na bampirang naghari-harian ng mahabang panahon. They will serve me, they will crawl under the pit just to satisfy my needs! This is me. This is what I want."

Mahigpit na napakuyom si Uno sa sandata niyang may bahid ng dugo. Alam na alam ko, hindi niya kayang saktan si Freya sa kabila ng ginawa niya kaya ako na gumawa na paraan. Marahas akong tumayo at itinulak si Uno sa baba, isinigurado kong hindi siya masasaktan sa kanyang pagbulusok sa baba.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon