Yay! We're almost at the end, Paragons. Hang on![Kabanata 40]
"Para po sa inyo, mahal na dyosa. Maliit na handog, sana'y tanggapin ninyo."
Ngumiti ako sa mag-asawang sabay na nag-abot ng maliit na kahon. Mabilis naman itong kinuha ni Klea at nagpaalam sa amin. Their little kids were playing around na agad namang sinuway ng mag-asawa.
Kasalukuyan kaming namimigay ng mga damit at pagkain sa bayan ng Thraina—isa sa pinakamahirap na bayan sa kaharian ng Werien. Maliit lamang ito na kaharian kung saan ay isang Duke ang namumuno. Labis akong naaawa sa kanilang mga pinagdadaanan at naisipang tumulong para naman ay hindi ako mabagot sa loob ng palasyo.
"Maraming salamat po, nag-abala pa kayo," wika ko.
"Napapansin ko po kasing araw-araw po kayong tumutulong sa bayan namin. Kahit na mataas ang sikat ng araw ay hindi pa rin po kayo napapagod kaya naisipan naming dalhan kayo ng pagkain, bilang pasasalamat na rin," wika sa akin ng lalaki.
"Responsibilidad kong tumulong sa nangangailangan. At kahit kailan ay hindi ako magsasawang tulungan kayo." muli akong ngumiti sa kanila.
"Napaswerte ng mga Ravenna lalong-lalo na ang Haring Khalil dahil sa iyo siya ibinigay. Nawa'y marami pa po kayong matulungan. Talagang napakabuti ng iyong puso, mahal na dyosa, nasisiguro kong bibiyayaan kayo ng masayahing pamilya." hinawakan nung babae ang kamay ko.
I can't help but to be touched on her words.
"Tutuloy na po kami, mahal na dyosa. Salamat po sa mainit na pagtanggap." kumaway silang dalawa sa akin bago tuluyang umalis. Napatingin ako sa ibaba nang maramdaman kong may humila sa aking saya. I saw a girl with red hat, ngumiti ito sa akin bago nag-abot ng isang bulaklak.
"Maraming salamat." I pinched her cheeks. Tipid siyang yumuko bago tumakbo.
"Hindi ka pa ba napapagod, mahal na reyna? Magagalit si Khalil, pinapagod mo ang sarili mo." napalingon ako sa narinig.
"Enzo," I called his name.
Nakapamulsa itong lumapit sa akin. May hawak itong libro sa kanyang kamay habang sa kabila ay isang maskara. It's been a week since I last saw him, madalas siyang wala sa palasyo at nababalitang may kinikitang isang babae.
Mukha nga dahil malawak ang ngiti niya sa akin.
"Kumusta ka na, ikalawang prinsipe?"
"Did you miss me?" pabiro akong umirap.
"You've been busy, your siblings missed you, palagi ka lamang wala sa palasyo. When are you going introduce her to us?"
The corner of his lips lifted.
"I can't, not yet. We still have problems to solve remember?"
Napatango ako. He's right, we still have problems and he doesn't want to involve her.
"Then, can tell me something about her?" tanong ko.
Umupo naman siya sa tabi ko. His lips went into thin line and think. "She's skilled in weapons. Kaya niyang umasinta ng punyal kahit gaano ka layo. She's pretty and warmhearted. She always bake bread and give it to her neighbors. She took after her mother's dress shop."
"She's not born in a rich family but she's happy. I want to give her the life that she deserves."
Lumingon siya sa akin at sumilay ang ngiti sa labi. "Her name is Luna."
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...