K A B A N A T A 47

6 0 0
                                    


[Kabanata 47]

Sa muling pag-ihip ng hangin ay bumalik sa isip ko ang huling alaalang nakita ko sa aking ina.

"Isang kahibangan ang gusto mo, Freya!" sigaw ng aking ina habang nananaliksik ang mga mata.

"Hindi ba't ito ang gusto mo? Sila na ang huling kambal mula sa sinauang dyosa! We can resurrect our queen and rule Trias Den."

"I already given up that idea. Bakit hindi na lamang tayo mamuhay ng tahaimik? Let the vampire's rule, masyadong na tayong mahina, Freya."

Hinampas ni Freya ang mesa kung saan sila nag-uusap. "No! Those vampires doesn't deserve to rule! Bakit tila nanlalambot ka sa kanila, Sandra? Dahil ba sa bampirang minahal mo na walang ginawa kundi pagtaksilan ka?!"

Isang sampal ang iginawad sa kanya ng kaibigan. "Wag mong idadamay si Ivhadore dito!"

"Anak niya at ni Malia ang kambal, bakit hindi ito ang gawin mong oportunidad upang makaganti sa kanila? Natatakot ka ba na baka mas lalo ka niyang kamumuhian? Siguro'y nararapat ngang si Malia niya ang pinili niya kaysa sa'yo. Dahil sa pag-ibig na 'yan ay naging mahina ka na."

"Bahala ka sa gusto mong gawin, Freya. Wala na akong pakialam." tahimik na nilisan ni Sandra ang silid.

Noong gabing iyon ay tinuloy ni Freya ang plano upang sugurin ang aming kampo. Kasalukayang nasusunog na ang kagubatan nang makarating si Sandra. Mabilis ang kanyang mga hakbang patungo sa aming tahanan.

"Ivhadore?"

Nanlaki ang mga mata ni papa nang makita siya. "S-sandra? Anong ginagawa—" natigilan siya at mabilis na naglabas ng patalim. "Ikaw ba ang may pakana nito?!"

"H-hindi! Maniwala ka, wala akong intensyon na saktan kayo. Narito ako upang iligtas kayo, si Isabelle? Nasaan siya?"

"Nasa kamay na siya ng mga Ravenna ngayon. Mas ligtas siya roon."

"Ano? Paano mo siya nagawang ibigay sa mga bampirang iyon?"

"Anong gusto mo? Ibigay ko siya sa'yo? Anak ko siya, Sandra."

"Anak ko rin siya, Ivhadore!"

"Umalis ka na, mangkukulam. Wala kang anak rito," malamig na tugon ni papa.

Kapwa sila napalingon nang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Freya. Isang ngisi ang pinakawalan niya bago bumaling sa dalawang mangkukulam na nasa likuran.

"Dakpin ang bampirang 'yan."

Mabilis na humarang si Sandra. "Wag kayong lalapit!"

"Gusto mong matulad sa mga inutil na taong 'to, Sandra?" sinakal niya ito. "Patatawarin kita sa kasalanan ito dahil kaibigan kita, pero sa susunod na kakalabinin mo ulit ako'y sabay-sabay kong ipapakain ang mga katawan niyo sa mga mabangis na hayop. Maliwanag?"

Marahas niyang binitwan si ina dahilan upang mapasubsob siya sa sahig. "Where's your daughter?"

"Huli ka na, mangkukulam. Hinding-hindi mo siya mahahanap!" sigaw ni papa.

"Olivia," tawag niya sa isang mangkukulam.

"Ano iyon, mahal na pinuno?"

"Maiwan ka dito. Siguraduhin mong walang matitirang tao, patayin silang lahat. Dahil mo sa akin si Isabelle sa sandaling bumalik siya. Alam kong tatangkain niyang iligtas ang kanyang pinakamamahal na ama."

"Masusunod." tipid itong yumuko.

"Walang hiya ka! Ilabas mo ang anak ko dito!" nagsmulang maningas ang mga mata ni papa.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon