[Kabanata 21]Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na nakita ang Hari ng Valhalla dahil sunod-sunod ang pagpupulong niya kasama ang mga matataas na konseho ng iba't ibang emperyo. Matapos ang pagbisita namin sa Moone Valley at sa pag-alok niya sa akin bilang kaniyang magiging kapareha'y hindi na kami muling nag-usap. Wala rin akong tamang maisasagot sa kaniya kung sakaling babalik ulit kami sa usaping iyon.
I don't want to give him false hope.
I tried to talk to Goddess Leone but she's not responding, ilang gabi ko siyang tinatawag pero hindi siya bumababa mula sa buwan. Hindi ko na alam kung sino pa ang maaari ko pang takbuhan sa sitwasyong ito. My sister said the same thing, mas magiging kumplikado ang lahat, it will cause the nature to be unbalanced!
Humingi rin ako ng tungkol sa mga babaylan sa templo ng arete ngunit maging sila'y walang nagawa sa sitwasyon ni Khalil. Tatlong bagay lang ang dahil kung bakit walang kapareha ang isang nilalang, una ay maaaring pinutol ng kapareha niya ang kanilang ugnayan nang hindi pa ito nakakarating sa tamang edad. Pangalawa ay dahil sa sumpa. Pag-isinumpa ang isang nilalang kahit anuman ito na klaseng sumpa ay hihina at mawawala ang ugnayan ng makapareha. Pangatlo ay maaaring may nagmanipula ng koneksiyon niyo sa isa't isa, wala pa kasong ganoon dahil ang mga mangkukulam lamang ang may kakayahang gawin iyon.
I tried to asked to Freya if she can do something using low magic, but she said that she stopped using magic and decided to store her magic away for safety. Tumutulong na lamang siya ngayon kay Klea sa mga gawain sa palasyo.
Halos malugmok ako sa aking kinauupuan. I wish I could do something about Khalil's situation but no matter how hard I tried, even my powers are not strong enough. I can still remember our last talk before I decided to let things go.
The night sky filled with many floating lanterns, the music coming from the people, the endless laughters and happiness. But despite all of that I've felt so lonely. Mula sa repleksiyon ko sa tubig ay lumipad ang mga mata ko sa likod ng matikas na hari ng Valhalla.
He's talking to an elderly couple, nakangiti siya ngunit bakas sa mga mata niya ang matinding lungkot. Muling bumalik ang tingin ko sa nakatuping parol na hanggang ngayon ay hindi ko pa pinalilipad. I want to do it with him, but I know it's impossible.
He's mad at me now.
"Heron, tahan na sa pag-iyak. Pinapangako ni ate na mag-iipon ako ng pera upang makabili ng parol sa susunod na pagkakataon." napalingon ako sa dalawang bata na malapit sa aking tabi, nakayuko ang batang lalaki habang niyayakap siya ng kapatid niya.
"Lagi mo naman niyang sinasabi, hindi naman nagkakatotoo." mas isinubsob nito ang mukha sa tuhod.
"Pagpasensiyahan mo na si ate, wala kasi talaga tayong pera, eh." pahayag nito.
Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanila. I handed the folded lantern to the older sister while smiling. "Here, you can have this one."
"Naku, wag na po." mabilis siyang umiling sa akin.
"Sige na, tanggapin niyo na. Kawawa yung kapatid mo." bumaling siya kay Heron at mahinang tumango sa akin. "Maraming salamat po, binibini. Napasaya niyo po kami ng kapatid ko."
Natigil sa pag-iyak si Heron at hinawakan ang kamay ko. "Maraming salamat po, magandang binibini!"
Tumango ako. "Sige na, magpalipad na kayo." kaagad naman silang tumakbo upang paliparin ang parol. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa nang makarinig ako ng pagtikhim sa aking likuran.
Mabilis akong tumayo at hinarap si Khalil. "M-mahal na hari," maagap na lumingon si Khalil sa mga bata. "You gave your lantern."
"They deserved it." tipid kong sagot. Sinalubong naman niya ang mga mata ko, saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago ko ito tuluyang binasag. Nangangatal ang mga kamay kong kinuha sa aking kasuotan ang pang-ipit na ibinigay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampirWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...