[Kabanata 46]Tila binuhusan ako ng malalim na tubig sa sandaling nakita ko ang itinuturing na kaibigan na may nakakatakot na ngiti sa kanyang labi. May hawak ito pana at palaso na ginamit niya upang kunin ang buhay ng aking ina.
Sunod-sunod ang pagbagsak ng aking luha. Kumakalat ang hapdi sa aking dibdib sa matinding pagtatraydor. Napakuyom ang aking kamao, unti-unting bumalik sa isip ko ang mga masasayang alaala kasama siya.
Habang bumabalik iyon ay tila ayaw kong paniwalaan ang nakikita ko ngayon. I felt a great wave of betrayal.
Freya, why? You're my friend.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang aking luha.
"Y-you killed her."
She huffed. "You're so dramatic, dapat nga ay magpasalamat ka sa akin dahil hindi ka na niya magugulo kailanman. She's nothing but a liar and a murderer."
I gritted my teeth.
"Come on, bakit hindi mo aminin ang totoo? You wanted her dead, right? Bakit nagdadalawang-isip ka? Mukhang wala kang pinagkaiba sa kanya, isang traydor na dyosa."
"You insolent witch! How dare you talk to our goddess like that?!"
Dumilim ang aura niya. "I should've killed you when I had a chance."
Agad dumilim ang paningin ko at pinaulanan siya ng atake. Mabilis siyang nakaiwas sa akin, with one swift of her hand I immediately thrown across the room.
"Mahal na dyosa!" dinaluhan ako ni Lovemir na malapit sa akin. Naniningas na ang mga mata nila.
"Ano sa tingin mo ang ginawa mo, Freya?!" sigaw ni Maxine.
"Shut up, you useless princess. Hindi ko akalaing ganito ka inutil ang mga namumuno sa Valhalla. I must thank you, Isabelle, for bringing Sandra here. Hindi na ako nahirapang nahapin pa siya."
"A-anong sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong. Inalalayan ako ni Lovemir at Thunder. Nanatili namang alerto ang mga Ravenna sa susunod na gagawin ni Freya.
"Mukhang napaaga ang paglabas ko dahil sa pakialamera mong kapatid, so I had to put her where she belongs. Sandra keeps ruining my plan!" nananaliksik ang mga mata niya.
"You witch! You've planned this all along?! Ang lahat ng mga ipinakita mo sa amin ay palabas mo lang?!"
"Yes. I knew that if I get close to you, I can execute my plan perfectly. You're all easy to fool, konting iyak at pagmamanipula'y pinagkatiwalaan niyo agad ko."
"You traitor! Sinabi ko nga ba at hindi ka mapagkakaiwalaan!" mabilis nawala sa kanyang pwesto si Casper. Pinaulanan niya ito ng atake gamit ang kanyang mga kadena ngunit mas mabilis si Freya kaya hindi niya ito mahuli.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Nagkahalo-halo na lahat, ngunit mas nangingibabaw ang galit ko. Galit dahil sa pagkitil niya sa aking ina, dahil sa pagtatraydor niya sa akin, at galit para sa aking sarili.
I hate myself for trusting her.
I never should've trusted her!
"You're a fool, Isabelle." humalakhak siya.
"What do you want?! Anong kasalanan ko sa'yo upang lokohin mo ako ng ganito?!" sigaw ko.
"Want to know that truth? I want to rule! Gusto kong maging pinakamalakas na nilalang sa mundong 'to—higit pa sa unang dyosa. Higit pa sa lahat!"
"You're delusional," nailing na sambit ni Enzo.
"Ang tanging paraan lamang upang makuha ko iyon ay kainin ang puso ng kung sinuman sa inyo ng kapatid mo ang magiging dyosa. A ritual, that's why I planned the attack on that night. Masyado ka lamang sinuwerte kaya hindi kita nahuli, and your father is so stubborn to tell me where are you."
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampirosWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...