[Kabanata 19]Nagsasaya ngayon ang buong imperyo dahil sa bago nilang hari. Panay ang sayawan, kantahan, at tawanan sa buong paligid. Walang tigil ang musika, kwentuhan, at paglalaro ng mga batang bampira sa paligid. Tahimik lang kami ng aking kapatid na sumisimsim ng aming kopita, mukhang katulad ko'y hindi rin siya sanay sa mga ganitong pagdiriwang. Kanina pa wala sa kanilang mga upuan ang mga Ravenna dahil sa pakikipagsayaw sa mga kababaihan na kanina pa nag-aantay sa kanila.
Tamad kong iginala ang aking paningin, kahit ang mga prinsipe ng Epiro Damian ay abala rin. Pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sina Hades, Beaumer, Blaise, at Saint, habang nakikipag-usap naman sa mga konseho ang kanilang kapatid na hari. Ngayon ko lang din nakilala ang iba nilang mga kapatid. Nalilito ako sa kanilang lahat sapagkat ang dami nila! Ganito ba talaga ang mga maharlika? Kailangan marami ang anak?
Napansin kong hindi mapakali ang aking kapatid sa kinauupuan niya. Sinundan ko ng tingin ang bampirang kanina niya pa sinusulyapan at napailing nalang. Ang bunsong prinsipe ng Higaro Sansua na matagal niya ng hinahangaan, Prince Claucer Treouv Iryl Vadalje.
Hindi ko rin maiwasang mapatitig sa prinsipe, tunay ngang napakakisig nito. He's famous too, marami rin akong nakitang mga babaeng kasayaw niya kanina. Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang kanilang paningin, ang mas ikinagulat ko ay nakatitigan sila at sabay na kumislap ang kanilang mga mata.
Bumaba ang tingin ko sa kamay ng aking kapatid at nakumpirma ko nga ang aking hinala. They both have rings on their fingers, isa lang ang ibig sabihin n'yan... nakilala na nila ang isa't-isa bilang magkapareha.
My sister is mated to the Prince of Higaro Sansua!
Kaya pala ay matagal niya na itong hinahangan dahil sila talaga ang nakatakda para sa isa't-isa. Noong una palang ay may koneksiyon na sila, ngunit hindi pa malakas at matibay, sa sabay na paninigas ng kanilang mga mata at palitaw ng singsing sa kanilang mga darili ay makakaramdam ng matinding pagkauhaw sa isa't-isa.
"M-my mate..." mahinang usal ni Danne. Sa kaniyang paningin ay tanging silang dalawa lamang ang naririto, sa mabilis nitong paggalaw ay natangpuan ang sariling nakakulong sa mga yakap ng kaniyang kapareha.
Masaya ako para sa kanilang dalawa.
Habang pinagmamasdan ko sila'y hindi ko maiwasang mapatanong sa aking sarili. Do I have a mate too? Bakit hindi ko pa siya nakilala? Ano kaya siyang klaseng nilalang? Alam kong may nararamdaman ako para kay Khalil at kahit anong pagpigil kong mahalin siya ay mas lalo ko lamang pinapahirapan ang aking sarili, hindi man ako sigurado sa nararamdaman ni Khalil ay alam kong panandalian lamang ito.
Kakalimutan na namin ang isa't-isa sa oras na makilala namin ang nararapat na para sa aming dalawa. Pero ngayo'y pareho pa lamang kaming naghahanap, hindi naman siguro masama na hayaang munang makulong sa pantasiyang maramdamang mahalin ang hari ng Valhalla.
Hindi na nasundan pa ang aking pag-iisip nang may lumapit sa aking isang tagasunod. Yumuko muna ito at binati ako bago isinalaysay ang kaniyang nais.
"Hinihintay po kayo ng mahal na hari sa estatwang simbolo ng Valhalla." bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako ngunit agad siyang nagpaalam sa akin. Napatingin ako sa upuan na aking kapatid na bigla na lamang naglaho sa hangin.
Why would the King wants to see me? May nagawa ba akong mali sa kaniya?
Mariin kong kinagat ang labi saka tumayo upang puntahan siya. May iilang yumuko sa akin nang madaanan ko sila, tipid akong ngumiti at pinagpatuloy ang paglalakad. Malayo ang tanaw ko sa naglalakihang mga estatwa ng apat na imperyo, nguniti hindi nakatakas sa akin ang bulto ni Khalil na nakatalikod mula sa akin.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...