K A B A N A T A 26

3 0 0
                                    


[Kabanata 26]

"You guys ready?" tanong ni Blaise. Tumango kaming lahat bago pumasok. First step and it's already sending chills. Para siyang isang patay na lugar. It's quiet and scary. Tanging mga yabag lamang ng aming kabayo ang naririnig ko.

"Fuck! I can't feel my power." saad ni Nicholas. Sinubukan niyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan pero walang lumabas.

"Me too." dagdag ni Caspian. Lumingon ako kay Enzo na umiling rin sa akin.

Kung ganoon ay mas delikado dahil wala ang kanilang mga kapangyarihan para protektahan sila. Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa pangamba. Maging ang aking kapangyarihan rin ay binigo ako.

"Ang makapal na hamog na 'to ang dahilan kung bakit nawawalan ng bisa ang mga kapangyarihan natin. We need to find Thania before we get lost, masama ang pakiramdam ko dito," saad ko.

If this mist is keeping our powers, then how come Thania be able to communicate with me? Naramdam ko ang kapangyarihan niya, mas malakas ito kumpara sa akin. What if we're in a wrong place? What if ipinakita lang ni Thania na nandito siya sa lugar na 'to upang mas lalong hindi namin siya mahanap?

Kapwa kaming napalingon sa biglang ingay na narinig namin hindi kalayuan. Bumaba si Enzo at kinuha ang espada niya. Sumunod rin 'yung apat na lalaki. Nagkatinginan naman kami ni Freya.

Another sound roared in the whole sky. Palinga-linga kami kung saan nanggagaling ang tunog na 'yun, hindi pa man namin tuluyang nakikita ang kabuuan ng hindi mapangalanang nilalang, ang mga anino nito ang siyang sumagot sa aming mga katanungan.

"Holy shit, is that—" naputol ang pagsasalita ni Casper nang makarinig kami ng isang malakas na ungol at lumabas sa naglalakihang mga puno ang isang napakalaking ibon na kulay kahel ang mga balahibo. Masasabi kong ito ang pinakamalaki at pinakamagandang ibon na nasilayan ko.

Ano'ng ginawa ng isang nilalang na katulad niya sa lugar na 'to?

Napaatras kami nang lumipad ito ng napakataas kasabay ng malalakas ng hangin. Hindi na ako nakapalag nang magwala ang aming mga kabayo kaya nahulog ako sa damuhan. Agad naman akong tinulungan ni Freya. Alerto at nakalabas na ang mga pangil nilang lima, naghahanda na para lumaban.

"It's a fucking pheonix!" sigaw ni Blaise.

Umiling si Enzo. "I thought they're extinct."

"Maybe not."

Nanlaki ang mga mata ko nang muli itong lumipad pabalik sa direksiyon namin. Agad kaming dumapa sa damuhan. Hindi na namin napigilan nang magwala ang mga kabayo at tumakbo. Iritadong tumayo si Casper.

"Fuck! We have no powers, paano natin malalabanan 'yan?!"

"We need to find its weak spot," sagot ni Nicholas. Muli kaming naghanda nang bumalik ito, at dahil masyado siyang malaki ay hindi nito kami naabutan pagdumadapa kami. Mabilis itong nairita at kitang-kita sa kaniyang mga mata ang galit nito sa amin. Umingay ito nang napalakas na halos mabingi na kami.

Hinila ako ni Enzo para makapagtago sa mga puno. Ganoon din ang ginawa nina Blaise, Nicholas, Freya, at ng kambal na nagtatago sa kabilang parte ng puno.

"Pheonix are remarkable creatures, we can't easily kill it. Wala tayong mga kapangyarihan para masugatan iyon mula sa taas," ani Caspian.

"I have an idea.." nilabas ni Enzo at kaniyang palaso at pana. Tumakbo siya at nagtago sa isang puno na malapit sa malaking ibon na kasalukuyang hinahanap kami. Asintado niyang pinatama ang kaniyang pana sa halimaw na iyon pero mas lalo lamang itong nagalit.

"You made it angry!" asik ni Blaise

"Do you have a better idea?!" sigaw pabalik ni Enzo.

"Try to talk to it!" suhestiyon ni Casper.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon