[Kabanata 16]All of it was a plan. The moment that Freya and I exchanged, I used her powers to communicate with Meira. Siya ang tumulong sa mga batang tumakas dahil may sarili akong plano. Higit na mas marami at mas malakas ang mga mangkukulam, hindi kakayanin ng aming grupo na susugurin sila ng sabay-sabay dahil mahahalata nila 'yon. Maraming mapipinsala pag iyon ang gagawin namin.
We want to end it here.
Humingi ng tulong si Freya kay Van at Saint na nasa Criena. Hindi na kami agad nahirapan, sa tulong ng kapangyarihan ni Meira ay pinagkonektado ito ang aming mga isipan. Sinadya kong ipalabas ang presensiya ko kay Sandra. Hindi madali pero nagawa kong mabasa ang nasa isipan niya.
Yes, she wants to bring back their dead leader. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit madali siyang manipulahin. Freya told me that she's a powerful witch, ngunit ito'y hindi ko naramdaman. Like a normal witch that's only using low magic, wala nang mahihigit pa sa ipinakita nitong kapangyarihan.
I was the one who planted the idea of Khalil being my sister's mate, I don't know how I did it but she took the bait. Kailangan ko ng oras upang linlangin siya dahil hindi lamang mga batang bampira ang kanilang bihag, maging mga iba't ibang nilalang na may malalakas na presensiya. They're feeding off their energy so that the body of their leader will remain healthy until the sacrificial ritual.
Ginamit ni Danne ang kaniyang kapangyarihan kaya akala ni Sandra ay siya ang may gawa. While she's busy feeding me with lies, Freya used her powers to create na barrier. The Ravenna's were already inside the cave, hindi niya napansin iyon sa dahil bilog na harang sa palibot ng bundok. No can get in or out.
Kasalukuyang naglalaban ang mga bampira't mangkukulam, lumakas ang pag-ihip ng hangin dala ng kapangyarihan ni Enzo, tila'y may isang bagyong paparating na halos pati ang mga kapatid niya ay tatangayin.
"What the hell, Enzo? Dahan-dahanin mo naman, nasisira ang buhok ko!" reklamo ni Casper habang nakaharap sa tatlong mangkukulam na sinasakal niya gamit ang kapangyarihan.
"Bakit ako lang ang nakikita mo, Casper?" balik sa kaniya ni Enzo. "Look at Nicholas! Halos lamunin na ng kanyang apoy ang buong kweba."
"I need to get out of here. Ayaw ko maging inihaw na manok." ngumiwi ang tatlo sa sinabi ni Saint. Gusto kong matawa sa pinaggagagawa niya. Sa tuwing aatake ang mga mangkukulam sa kanya at kinikindatan niya lamang ito at pinaglalaruan.
"Bakit ganyan ang kapatid mo, Van? He's a psychopath." kaswal na tanong naman ni Caspian habang tamad na nakapalumbaba sa sahig. Isa pa 'to. He's not even fighting! Ginagamit niya lang ang kapangyarihan niya at ikukulog ang sarili sa kasalag na ginawa niya.
"Caspian, I will kill you! Help me here!" sigaw ng kanyang kambal na halos tumpukan ng mga mangkukulam.
"Madaya! Bakit sa'yo sila lumalapit? Mas makinig naman ako, ah?" pagsingit ni Saint. Napapailing na lang si Simon at Hiro sa mga pinagsasasabi nila.
Hindi ko maiwasang mapahanga sa mga bampirang handang tumulong sa akin at ibuwis ang kanilang buhay sa iisang layunin.
Kapayapaan.
"Oh my god, my brothers are idiots." napahilamos ng mukha si Maxine sa tabi ko. Napangiti naman ako. Her brothers are silly.
Tumabi rin sa akin si Danne at nakikinood sa mga Ravena. They said that we should stay here and let them do the job. Kaya naman daw nila, pero sa nakikita ko ngayon ay gusto ko na lang mapailing.
"Are you sure they're okay? Should we help them?" tanong ni Danne na mabilis naming ikinailing ni Maxine.
"Hayaan mo sila. Ang hahangin kasi kaya ayan, naghahamon kahit hindi naman kaya. Bahala silang mapagod kakapatay sa mga mangkukulam." matabang na sagot ni Maxine.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...