K A B A N A T A 34

5 0 0
                                    


[Kabanata 34]

"What the hell?"

I blinked a few times to see if I'm hallucinating or not. Mas napaawang pa ako ng labi nang buksan ko ang ilaw at nakita kabuuan ng silid.

Ito? Ito ang laman ng tinatagong silid ng namayapang hari't reyna?

This is an armory!

Sa pagpasok palang namin ay tumambad na sa amin ang mga larawan ng mga sinaunang mga Ravenna hanggang sa henerasyon nila Khalil. Mapapansin rin ang mga kakaibang bagay na nasa loob ng mga kahong gawa sa salamin.

Masyado itong malawak at napupuno ng mga agiw sa ilang taong hindi nalinisan. The paintings are quite different, too. At sa bawat sulok ng lugar ay may nakatindig na apat na kasuotang pagkawal.

Hindi ko alam ang kakaibang nararamdaman ko sa loob ng silid na ito. Hindi ko alam ngunit parang may nagmamasid—may matang nakatingin sa akin. Ngunit ni isang bintana ay wala ito at ilaw mula sa mga simbo lamang ang tanging liwanag namin.

Kung tutuusin ay kaya kong gamitin ang aking kapangyarihan upang magsilbing ilaw sa buong silid, ngunit katulad rin nung unang pasok ko sa makapal na hamog na nakapalibot sa buong Issus ay hindi ko magawang ilabas ang aking kapangyarihan.

May mahika ang silid na ito. Ang hindi ko maipaliwanag ay mga bagay na naririto. Sa tingin ko'y mga bagay lamang ito na napaglipasan na ng panahon at kinuha upang ipreserba ngunit bakit sa lihim na silid na 'to?

Base pa sa kwento ni Khalil na ni minsan ay hindi ito sinabi sa kanya ng hari't reyna, at nanatiling lihim hanggang sa natuklasan namin. This key was given to me by a mysterious merchant, sinabi niya rin sa akin noon na magagamit ko ang susi na ito pagdating ng panahon. Ito ba ang gusto niyang mangyari? Ang matuklasan naming dalawa ni Khalil ang sekretong silid ng kanyang mga magulang?

Sa pagkakataong ito, wala akong nakikitang espesyal sa mga bagay na nakakulong sa salamin. Tumingin ako kay Khalil, umaasang may kaunting nalalaman siya sa mga bagay na naririto upang magkaroon kami ng ideya. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa koleksyon ng mga jarapong may kakaibang liwanag.

Sa kabilang banda, narito ang mga iba't ibang uri ng mga bato na ang alam ko'y tanging sa ilog ng Gieo lamang matatagpuan. Ito ay isang napakahaba at napakalalim na ilog na tanging sinuman ay hindi kayang makatagal roon.

It's full of resentment of those creatures who died and thrown their bodies in their during the past wars.

"Why King Gideon and Queen Avaline was collecting different sorts of weapons?" biglang kong tanong nang mapansin na halos lahat ng mga sandata, kabilang na ang mga sandatang pagmamay-ari ng mga sinaunang bampira. From biggest swords, to leather straps, crossbows, and even a weapon from the human wold

A gun.

Lumapit ako sa isang bagay na nasa loob ng babasaging kahon. "And what is this?"

"A mirror?" napalingon sa akin si Khalil at mabilis na lumapit. Sabay naming dinungaw ang salamin na may malaking bitak sa gitna. Ginto ang kabuuan nito na may nakaukit na may disenyo. Unang tingin pa lamang ay nakakaagaw na ito ng pansin.

"The Blue Queen's Mirror," mahinang usal ni Khalil.

"Blue Queen's Mirror? I never heard that before," wika ko.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon