K A B A N A T A 48

5 0 0
                                    


[Kabanata 48]

Sinimulang sayawin ng hangin ang aking mahabang buhok.

Ang liwanag ng papalubog na araw ay tumama sa aming lahat na tila'y iyon na ang huling paglubog nito. Mabibigat ang mga pagaspas ng mga ibon sa kalangitan, ang mga puno't bulaklak ay sumabay sa direksyon ng hangin.

Sa puntong ito'y nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot o sa kaba, kundi dahil sa panibangong hamon na sisiguraduhin kong pagtatagumpayan ko.

Maraming umaasa sa akin, ang biguin sila ang kahuli-hulihang gagawin ko.

Mula sa isang mahinang tao na walang hinahangad kundi mapalaya ang lahat mula sa mapait na mundong 'to, hanggang sa isa sa pinakamalakas at hinirang na dyosa na may malaking responsibilidad na hindi maaaring ibalewala.

"Mahal na dyosa..."

Saglit kong nilingon ang aking hari na katulad ko'y taas noo rin nakatindig. Pinagsalikop niya ang aming mga kamay at sumilay ang ngiti na nagpapagaan sa aking sistema. Sunod-sunod na humakbang ang mga Ravenna mula kay Enzo na sinundan ng kambal, ni Nicholas, Simon, Hiro at Maxine na hawak-kamay rin ang isa't isa.

Napasulyap ako sa mga Kang na walang sawang sumuporta sa akin simula umpisa. Kahit kailan ay hindi nila ipinaramdam sa akin na mag-isa ako, maging sina Claire at Cyd ay tipid na tumango sa akin na sinundan nina Uno at Myze.

I grew stronger. Ang mga pagsubok na dumating sa aking buhay ay pinatagtag ako. Ang mga aral at turo sa akin ni papa'y hindi lumisan sa aking isipan, dala-dala ko pa rin ito hanggang ngayon—kasama ang mga malalapit na bampira sa aking tabi.

Sa pagsiklab ng buwan, tuluyan ko ng niyakap sa aking puso na kahit anong mangyari ngayong gabi, hinding-hindi ko pababayaan ang mga itinuring kong pamilya sa mundong 'to. Hindi lamang akong isang dyosa, kundi isang ring reyna. Reynang handang maglingkod at mamuno sa aking imperyo.

Naramdaman ko ang tipid na pagpisil ni Khalil sa aking kamay. "Kakayanin natin 'to."

Sa sandaling mag-angat ako ng tingin sa mangkukulam na tinuring kong kaaway ay nagliwanag ang aking buong katawan—hindi lamang ako kundi ang lahat ng kamay na nakahawak sa akin. Pinagkalooban ko sila ng basbas. Basbas upang magtagumpay kami sa aming gagawin.

Tumaas ang sulok ng labi ko.

Unang digmaang pagtatagumapayan ng mahal na dyosa.

Sa itim na usok na kasalukuyang kumakalat sa buong imperyo'y hinaharangan ng aking kapangyarihan nang sa gan'un ay hindi ito makalabas at makapaminsala ng kahit sinong nilalang.

"Tapusin na natin 'to."

"Masyado yata kayong nagmamadali? Hindi ko pa napapakilala ang aking mga tauhan." kumumpas siya ng tatlong kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Si Dashniel na inaakalang kong nag-aagaw buhay dahil sa kanyang sakit ay lumapit kay Freya. Hindi lamang siya dahil ang daang-daang bampira nahawaan ng sakit ay nagsilabasan at tumabi sa kanya.

"My blood's what keeping them sired to me. Lahat ng sasabihin ko ay gagawin nila, hindi ba Dashniel?

"You witch!" nangangalaiting sigaw ni Beaumer.

"What made you think we're the only ones?" napalingon ako nang marinig ang boses ng aking kapatid. Magkahawak sila ni papa at sa kanilang likuran ay halos hindi ko mabilang na mga kawal mula sa apat na imperyo.

Nakita ko si Loah at Klea na nakangiti sa akin habang nasa likuran nila ang batalyon ng Valhalla. Hindi naman maipinta ang mukha ni Freya sa nakikita. Ang palasyo ng Epiro Damian ay may mga bitak sa pakikipaglaban nila kanina, nagkalat ang mga debri at mga kagamitan.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon