K A B A N A T A 23

3 0 0
                                    


[Kabanata 23]

"Wala na ba talagang ibang paraan? This merge thing is dangerous!" hindi na napigilan ni Maxine ang boses niya sa loob ng silid. Agad naman siyang nilapitan ni Casper.

"Calm down, Maxine."

"How can I calm down? Isabelle and Danne almost died! Alam nating lahat na ayaw nilang dalawa, they won't take the risk of losing each other. Now this? There must be another way!"

"I'm sorry," umiling ang dyosa Leone sa harapan ng mga Ravenna. "There isn't, merging is the only way."

Kapwa sila napamura. Kanina pa sila hindi mapakali kahit na magaan na ang pakiramdaman ko sa gamot na ibinigay ng isang babaylan pero nagpumilit silang muli pa kaming suriin ng kapatid ko.

Sobra akong nag-alala kay Danne. She's so weak, namumutla na ang mukha niya at kanina pa siya walang malay. Even Prince Clauser rushed in here to check on her, nagdala pa ito ng iba't ibang manggagamot upang siguraduhing nasa maayos siyang kalagayan.

"Are you certain, Goddess Leone? Ngayon pa lamang nila nakasama ang isa't isa, can you give us more time?" wika ni Enzo.

"Sa kalagayan nilang dalawa'y isang linggo ang kanilang tatagalin. 'Yan lang ang oras na maibibigay ko, inaasahan kong sa susunod kong pagbabalik ay handa na silang dalawa sa mangyayari."

Mabilis na naglaho ang dyosa kaya tahimik na naiwan ang mga Ravenna, kahit hindi nila sabihin ay alam kong hindi rin nila ito gusto. They knew how much I fought to take my sister back, matagal kaming ipinaghiwalay ng panahon at ito pa ang bubungad sa amin.

Alam ko na sa sandaling gawin namin ang pag-iisa ay ako ang mananalo. She's weak but I can't kill her. Hindi lamang ako ang masasaktan kundi pati ang prinsipe ng Higaro Sansua. Kakakilala pa lamang nila sa isa't isa, anong karapatan kong alisin ito sa kaniya?

Kung pwede lang, I will offer my life for the sake of my sister. Mas important siya sa akin at gagawin ko ang lahat upang iligtas siya sa anumang panganib. Pakiramdam ko'y nagsisisi ako kung bakit may dugo ng unang dyosa ang nananalaytay sa akin. Sana ipinanganak na lang ako na isang simpleng bampira, na sana'y hindi kumplikado ang buhay namin ng kapatid ko ngayon.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang nakatingin kay Danne na natutulog. I promise, Danne, mabubuhay ka. And when you do, p-please find our father for me.

Hinayaan na muna kami ng mga Ravenna na magpahinga. Nagpapanggap lamang akong natutulog dahil kahit simpleng pag-idlip lamang ay hindi ako dinadalaw. If what Goddess Leone was true then I have to find a way to save us both without the merging. Kahit walang ibang paraan ay gagawa ako. Hindi ako titigil at hindi ako mawawalan ng pag-asa.

"Goddess Isabelle," may biglang tumawag ng pangalan. There, I saw Prince Claiser leaning on the wall. Lumipad muna ang mga mata ni sa akin bago sa kapatid ko.

"Prince Claucer."

"How is she?" lumapit ito.

"Nagpapahinga na siya." tipid kong sagot. Saglit na tumaas ang sulok ng labi niya bago hinalikan sa noo ang natutulog na si Danne.

"I heared about the merging..." humina ang boses nito.

Napayuko ako. "I'm sorry, Prince Clauser—"

"Tutulong ako," he said without hesitation. "Gagawa ako ng paraan upang mailigtas siya, mahal na dyosa. I'll ask my sisters if they can do something, I'll seek mages, enchantress, and powerful vampires to save her during the merging. I can't lose her, mahal na mahal ko siya."

"Alam ko. Mahal na mahal ko rin siya, mahal na prinsipe. Nararamdaman ko na marami pa kayong magagawa na kapatid ko, at hindi ako ang magiging hadlang nun." ngumiti ako sa kaniya.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon