[Kabanata 37]"Konseho Ivhadore!" mabilis na tumakbo patungo sa akin si Khalil at pinigilan si papa sa anumang magawa niya sa akin pag nagtagal pa ito.
Sa sandaling kumawala ako sa kamay ni papa'y natatakot akong napaatras at hinawakan ang namumula kong leeg. Nagpupumiglas si papa sa pagkakahawak ni Khalil. Nananaliksik ang mga mata nitong nakatigtig sa akin na para gustong-gusto niya talaga akong saktan.
Hindi maiwasan ang muling pagbuhos ng luha ko. "P-papa..."
Ilang sandali pa'y napatigil siya sa pagpupumiglas at nawalan ng malay. Maingat siyang binuhat ni Khalil sa kama at kinumutan ito.
"Y-you made him sleep," mahinang usal ko.
"I had to. How's your neck?" lumingon siya sa akin at sinuri ang leeg ko. He held my chin to lift up my face to see the red mark. Mabilis akong umiling sa akin.
"I'm fine, namumula lamang siya."
"Why did he did this to you? Tila'y hindi ka niya kilala."
Huminga ako nang malalim. "Something's wrong with him. May ginawa si Sandra sa kanya."
Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko sa naisip. Bumigat muli ang dibdib ko habang nakatingin kay papa. He never hurt me, not even once. Ngayon lamang ito nangyari at alam kong may kinalaman si Sandra dito.
Nararamdaman ko kanina ang matinding galit sa akin ni papa at gustong-gusto niya talaga ako patayin. Sa loob ng ilang buwang pagkawala niya'y naapektuhan ang kanyang isipan. Kung tama ang nasa isip ko'y hindi niya ako nakikilala ngayon. I need to do something before his condition worsen.
Si Papa ang isa sa mga kahinaan ko ang sigurado akong ginamit ni Sandra si papa upang pilayin ako. I need to find her, at sisiguraduhin kong sa susunod na magkikita kami'y hindi ko siya hahayaan makapaminsala pa sa iba.
"Mahal na dyosa, mas mabuting dito muna siya upang matutukan at baka saktan ka niyang muli. Imumungkahi kong wag ka munang lumapit sa akin hangga't maaari—kayo ng iyong kapatid."
Hindi na ako sumalungat pa sa sinabi ni Maxine at tumango na lamang. Narito ang iilang mga Ravenna dahil ibinalita ni Khalil ang nangyari kanina. Maxine's checking him while Casper, Caspian, Nicholas and Hiro are just silent on the corner of the room. Si Khalil naman ay umalis dahil may inasikasong pulong.
Nagpadala na rin ako ng sulat kay Danne tungkol sa pagbabalik ni papa at ang bagong suliranin namin. Alam kong bukas ay pupunta siya rito.
"I just don't understand." binasag ni Caspian ang katahimikan. "He didn't attacked us the moment we found him. Bakit nung nakita niya ang ating dyosa'y nagwala siya?"
"Maybe something triggered him. Kilala natin si Konseho Ivhadore, hindi niya magagawang saktan ang kanyang anak," ani ni Nicholas.
"That insolent witch! Sino siya para gawin ito sa ating dyosa? Umaasa pa rin ba siyang mabubuhay niya ang kanyang dating pinuno pagkatapos ng lahat ng nangyari sa bundok na 'yun? Hindi pa rin siya tumitigil." nangigigil na saad ni Casper.
"Can Freya do something about it? Isa rin siyang mangkukulam, baka may magawa siya sa anumang mahikang ipinataw ng Sandarang 'yun." si Hiro.
"She tried but it didn't work. She also tried to locate Sandra's spirit but it's gone. Naniniwala siyang hindi nakaya ng espiritu nito na tumagal nang hindi sumasapi sa ibang katawan at tuluyan ng naging abo."
"How can you be so sure? She's a goddamn witch, hindi natin alam kung ano ang binabalak niya," sabat ni Myze.
"Kung totoong wala na ang espiritu nito, sana'y nawalan na rin kung anumang mahika ang ginawa niya kay Mang Ivhadore, ngunit nasa ilalim pa rin ito ng kanyang kapangyarihan," ani Uno.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...