K A B A N A T A 28

3 0 0
                                    


[Kabanata 28]

"Drakus Morgan? The evil uncle of Cyd and Claire?" hindi makapaniwalang saad ni Freya. Kaming lahat ngayon ay halos hindi na makabalik sa upuan sa mga nalaman.

Mahinang tumango si Thania. "Sa tradisyon ng Bihari Ino, ang dugong bughaw na unang maging hari bago makilala ang kaniyang kapareha'y pipili ng babae sa hanay ng mga babaylan mula sa Templo ng Arete na maging kaniyang asawa. Ako'y hindi na sana kabilang sa mga iyon ngunit napag-alaman nilang inapo ako ng unang dyosa, at ayon sa kanilang paniniwala'y ang sinong umangkin sa kahuli-hulihang inapo ng dyosa'y magiging pinakamalakas na hari sa lahat ng imperyo."

"Ang akala ng lahat ay ako na ang pinakahuli. Sapilitan nila akong kinuha at ipinaharap sa hari. They didn't know about the merge so my brother and I came up with a plan. Lumapit kami sa dyosa ng buwan upang humingi ng tulong ngunit tinalikuran niya kami. Kailangan naming maging isa upang ipagpatuloy ang lahi ng dyosa hanggang sa dumating ang huling pares ng magkakambal ng dyosa."

Napatahimik ako. Ganoon din ang sinabi ni Dyosa Leone sa amin, na kahit anong gawin namin ng kapatid ko'y hahabol-habulin kami ng aming kapalaran. Noong una'y ayokong maniwala pero dahil sa mga sinabi ni Thania'y unti-unti na namang pinapatay ang aking pag-asa. Parang apoy na unti-unting tinutupok ang buo kong pagkatao.

"Anong nangyari?" sunod na tanong ni Freya.

"Sumunod kayo sa akin, mas mabuting masaksihan niyo na lamang ang lahat upang mas lalo niyong maunawaan," sagot niya.

"Paano? Our powers doesn't work here."

Lumingon sa akin si Thania. "Ang kapangyarihan ng aking kapatid, kahit na'y naging bato na siya'y kaya niyang ipakita sayo ang mga nangyari sa nakaraan. This is Tash's unique power, hindi na siyang nabubuhay pa ngunit ang kaniyang kapangyarihan ang bumabalot sa buong Issus kasama ng basbas ng unang dyosa."

Hindi na kami nagsalita at sinundan na lamang siya. Ramdam ko ang pananakit ng aking dibdib. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong tanggalin ang sakit na patuloy na gumuguhit sa kaniyang dibdib, ngunit alam ko sa aking sarili na hindi ko iyon magagawa.

Namulat ako sa kalupitan na ipinaramdam sa akin ng mundong 'to. Simula sa pagtatago namin sa kakahuyan, sa pagsugod ng mga mangkukulam, sa pagkawala ni papa, sa mga naranasan ko sa mga Ravenna, sa aking tunay na pagkatao, at ngayon sa sitwasyon namin ni Danne.

Hanggang kailan pa ba 'to matatapos? Hanggang kailan pa ba ako makakaranas ng mahabang kaginhawaan at katahimikan kasama ang aking pamilya?

Isang bulwagan ang bumungad sa amin. Luma na ito ay punong-puno ng mga bitak at alikabok ngunit hindi naitago ang kagandahan nitong taglay. Sa paligid nito'y napapalibutan ng mga baging na may nakaukit na iba't ibang letra na sa tingin ko'y orihinal na lenggwahe ng mga bampira.

Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ay narinig kong suminghap si Freya.

"Ito ang Feras Imonus. Ang unang kaharian itinayo para sa limang pinuno."

"Hindi siya tuluyang nasira?" nagtatakang tanong ko.

"Itong kaharian ang unang prinotektahan ng dyosa dahil umaasa siyang maibabalik pa ang dati sa lahat. Kalahati lamang ang nasira sa digmaan, at dahil wala nang nangangalaga dito ang iba ay nagkabitak-bitak na," paliwanag ni Thania.

"Alam mo ba... kung paano namatay ang dyosa?" muli kong tanong, bumagsak ang balikat ko nung umiling siya sa akin. "Walang nakakaalam ng tunay na ikinamatay ng dyosa. Katulad niyo'y nabubuhay lamang ang kaalaman ko sa mga libro at kwento ng mga nilalang."

"Hindi ba't may kakayahan ang kapatid mo na ibalik ang oras? Bakit hindi natin ito gamitin upang bumalik sa nakaraan at alamin ang totoo?" humarap sa akin si Freya.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon