[Kabanata 14]Sumasabay sa bilis ng kabayo ang pagtibok ng puso ko. Hindi mapakali ang isipan ko habang nakatanaw sa unahan. Saglit akong sinilip ni Van nang humigpit ang kapit ko sa damit niya. Tahimik namang nakasunod sa amin ang kapatid niya.
"Don't be nervous, maaabutan natin siya. I promise." he asserted. I bit my lower lip nervously before nodding. He's right, maaabutan pa namin siya. Makikita ko pa siya.
Bumilis ang takbo ng kabayo ni Saint upang maabutan niya kami. Tamad siyang lumingon sa kapatid niya.
"Hey brother, are witches really strong? Baka naman ay isumpa nila ako, sayang ang gwapo kong mukha." natatawang sabi nito.
Kung sa ibang pagkakataon ay tumawa na rin ako sa pinagsasabi ni Saint. Nagagawa niya pang magbiro sa kabila ng kahaharapin naming laban. Naniningkit naman ang mga mata ni Van na lumingon sa kaniya.
"Kahit kailan ay hindi mo nilulugar ang mga kalokohan mo, Saint! Bumalik ka na lang sa imperyo, wala ka namang naitutulong, e."
Ngumisi ito. "Chill, brother! Masyadong mainit ang ulo mo, nagtatanong lang naman ako."
Umiling ito. "Bakit pa kasi ikaw ang sinama ko? I should've asked Pleum instead, wala ka naman kwentang kausap."
"Masyado kang seryoso, don't forget that I pulled her out," wika niya sabay turo sa akin. "If it weren't for me, she'll be stuck there forever."
"Fine, what do you want?" marahas nitong binalingan ang kapatid na tila'y pagod na pagod na siya dito. Saint tapped his fingers on the side of his face repeatedly, like he's thinking.
Lumapad ang ngisi nito. "Cover me for a week."
"Cover you---" mabilis na pinakalma ni Van ang sarili. "Tatakas ka na naman?! Are you kidding me, Saint?!"
"Come on! Pumayag ka na."
"No, not gonna happen." naiiling na wika ni Van.
"Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa 'kin? Should I tell Dark about your—"
"Fine!" he agreed. "I-I'll cover you, just shut your damn mouth."
"Finally!" humalakhak ito. "Thank you, brother."
He scowled at Saint. "I always wonder why mother named you Saint, you're not even one."
"Oh, brother. Don't you remember? I've always been mother's favorite."
Hindi na nasundan pa ang usapang iyon dahil nakarinig kami ng pagsabog. Mas binilisan ni Saint at Van ang pagpapatakbo ng kabayo na halos liparain na namin ito upang makarating agad. Ang kabang naramdaman ko kanina ay muling bumalik.
This is it.
Ang kabitan ng kartelon kung saan nakalagay ang pangalan ng Criena ay nakahati at pinabayaan sa gilid. Samo't-saring sigawan mo mula sa mga kababaihan, kabataan, kalalakihan ang yumanig sa buong Criena. Mga sigaw ng iyak, sakit, galit, at pagmamakaawa.
Tumigil ang kabayo at bumaba si Van. Ang ibon ni Hiro na Meira ay dumapo sa akin balikat, tila'y hinihintay ang aking susunod na galaw. Hinaplos ni Van ang kaniyang kabayo habang nakatitig sa aking mga mata.
"Hanapin mo ang iyong kapatid, Isabelle. Kami nang bahala dito." puno ng determinasyon ang boses niya at nilabas ang kaniyang sandata. Tipid naman na tumango sa akin si Saint.
Saglit na naglandas ang aking luha. "Maraming salamat, mga prinsipe."
Hinampas ni Van ang likod ng kabayo upang muli itong patakbuhin. Lumingon ako sa kanila na kasalukuyang pinapalibutan ng mga mangkukulam. Magkaharap ang kanilang mga likod upang maghanda sa anumang pagsunod.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...