K A B A N A T A 4

20 1 0
                                    

[Kabanata 4]

"Paano nating mapapalabas na patay na si Isabelle?" nanatili akong nakikinig sa mga plano. Aminado akong mali ang mga sinabi ko kanina dahil sa kagustuhan ko mailigtas si papa agad. Hindi na ako basta-basta magpapadalos sa nararamdaman ko at pag-isipan ito ng mabuti.

"With fake poison, sa darating na pagdiriwang, at sa harapan ng maraming bampira. Humingi kayo ng tulong sa prinsipe ng Epiro Damian. Just a mild poison enough to stop your heart for a few minutes."

"Are you sure? Magtatagumpay kaya ang plano natin?" ramdam ko ang pangamba ni Maxine. Maging ako sa kinakabahn sa iniisip nilang plano. Paano kung— ipinilig ko ang aking ulo.

Hindi iyon mangyayari, Isabelle. Hindi hahayaan ng mga Ravenna.

"Hiro use your familiar, alamin mo kung saan nila tinatago ang relika at dalhin mo dito ang siphoner na sinasabi mo. Enzo, ikaw ang makipag-usap sa mga Kang. Nicholas, sabihan ang mga kawal na bantayang maigi ang bawat sulok ng palasyo."

Kapwa yumuko ang tatlo. "Masusunod."

Matapos ang pagpaplano namin ay napagpasyahan kong pumunta sa hardin upang magpalipas ng oras. Sinubukan akong pigilan ni Klea pero sinabi ko sa kaniya na maayos na ang pakiramdam ko. Sumunod naman sa akin sina Myze at Uno.

"Magtatagumpay kaya ang plano?" puno ng pag-aalala ang boses ko. Uno looked at me before throwing a rock on the pond. "I'm not sure, but I will put my faith on it."

"Same here, wala tayong magagawa kundi magtiwala." sabi ni Myze.

Tama sila. Kailangan kong magtiwala sa kakayahan ng mga Ravenna ngunit hindi ko dapat i-asa sa kanila ang lahat. Lahat kami ay nangangamba ang mangyayari, walang kasiguraduhan kung magtatagumpay kami pero kailangan naming subukan. Hindi ako pwedeng umupo at maghintay na lang, kailangan may gawin din ako.

Lumingon ako sa kanilang dalawa habang nakalahad ang kamay. "Can I see my necklace?"

Bahagya naman silang nagulat. "You know, you can't—"

Ngumiti ako. "I know. I just wanna see it."

Hindi naman sila umangal dalawa ay inilabas ni Uno ang kwintas ko. Pinagmasdan ko ang lahat ng bahagi nito. I never expected that this simple necklace would change my life. Ang munting regalo na ipinagkaloob ng aking ina ang dahilan kung bakit nasa panganib ang buhay ko.

Kumunot ang noo ko nang may napansin ako sa sadaling tumapat ito sa araw. Hinila ko ang kamay ni Uno at sinundan ang sinag ng nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa anino ng kwintas ay mga letra at simbolong hindi ko maintindihan. Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa nakita.

Ano'ng ibig sabihin ng mga letra at simbolong ito?

Dahil hindi ko ito maintindihan ay ibinalik ko na lang kay Uno ang kwintas. Tatanungin ko na lang mamaya ang mga Ravenna.

Napaangat kami ng tingin kay Myze nang tumayo ito. "Saan ka pupunta?"

"In our old home. I want to visit my father's grave." natahimik kami ni Uno sa sinabi niya. It's been weeks and neither of us have gotten to visit our home. Wounds are still fresh, the Ravenna's insisted that we bury our people in Valhalla but the three of us disagreed.

For five hundred years our ancestor has been hiding in the Northern Forest and it eventually became our home. They were born there, their bodies will remain in the grounds that once their home.

I picked some flowers from their garden before we left. I told Klea to inform the Ravennas that we went to the Northern Forest and that we won't be long. Umalma pa ang dalawa kong kaibigan dahil sa banta sa aking buhay pero hindi ko sila hinayaan. I want to see my home.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon