[Kabanata 8]"Mag-iingat ka, Isabelle." yumakap sa akin si Maxine. Nakatayo sa likuran niya ang kaniyang mga kapatid na kapwa tumango sa akin. Niyakap din ako ng aking mga kaibigan at ni Klea.
Napatingin ako sa taas ng palasyo kung nasaan ang kwarto ni Khalil. Simula nung nangyaring sagutan sa bulwagan ay hindi ko na siya madalas nakikita. At ngayong aalis ay hindi man lang nagpakita dito upang magpaalam sa akin.
Galit pa rin siya?
"Don't worry, hindi na 'yun galit sa'yo. Abala lang talaga siya ngayon," wika sa akin ni Enzo na tila'y nababasa niya ang iniisip ko. Napabuntong hininga ako at tumango sa kanya. Isang kabayo mula sa imperyo ang ipinahiram nila sa akin.
Ang mapa na nagmumula sa kwintas ay iginuhit ni Simon nang sa ganoon ay hindi na ako mahirapan sa pagtingin kung saan direksyon ako dadaan. Lumapit sa akin si Klea at ibinalot ang balabal sa aking ulo. Kumaway sila sa akin bago ko ipinatakbo ang kabayo.
Sa bayan ng Criena malapit sa imperyo ng Bihari Ino ang lugar na sinasabi sa mapa. Ang alam ng mga mangkukulam ngayon ay nagtagumpay sila sa paglason sa akin. Ipinakita ng mga Ravenna na nagluluksa pa rin sila sa nangyari nung kaarawan ni Maxine.
Kailangan kong mag-ingat nang sa ganoon ay hindi nila malaman na buhay pa ako.
Nang makalayo na ako sa imperyo ay binagalan ko ang pagpapatakbo ng kabayo. Hindi ko maiwasang isipin kung magtatagumpay ba ako sa paghahanap sa kanya, at kung magtatagumpay man ako ay hindi ako sigurado kung sasama siya sa isang estrangherong tulad ko.
Ilang oras ring akong naglakbay hanggang makaramdaman ako ng uhaw. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid upang maghanap ng maiinom. Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng pag-agos ng tubig, mukhang malapit ako sa isang ilog.
Hindi nga ako nagmali dahil paglagpas ko sa isang maliit tulay ay namataan ko ang isang ilog. Bumaba ako at itinali ang kabayo sa isang puno malapit sa ilog. Kinuha ko ang aking lalagyan ng tubig at sumalok dito. Ipinainom ko rin ang kabayo upang magkaroon siya ng enerhiya sa paglalakbay namin.
Umupo ako at kinuha ang mapa sa aking sakbat na dala. Muli kong pinag-aralan ang direksyong aking tatahakin upang hindi ako maligaw sa kagubatang ito. Paglagpas ko sa kagubatang ito ay mga kabahayan patungong Bihari Ino.
I decided to take a short nap. Sumandal ako puno at ipinikit ang aking mga mata. Kahit kaunting tulog lang para sa aking katawan.
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay sa paligid. Alerto akong tumayo at inihanda ang aking patalim. Nagmasid ako sa paligid. Matataas na puno ang nakapaligid sa akin kaya mahihirapan akong makita kung may kalabang paparating.
Apat na kabayo ang lumabas na may sakay na apat na bampira. Tinutukan ko sila ng aking patalim. Lumapit ang isa sa akin at bumaba sa kaniyang kabayo.
"Ano ang ginagawa ng isang binibini sa kagubatang ito?" tanong nung isa sa kanila na sa tingin ko ay kanilang pinuno. May balat siya sa kaniyang mukha at paika-paikang lumakad papalapit sa akin.
Hindi ko pa rin ibinaba ang aking patalim. Kailangan kong maging handa sakaling may balak siyang gawin sa aking masama.
"Isang napakagandang binibini, naliligaw ka ba? Maaari kitang tulungan." ngumisi ito.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo, umalis na kayo." matigas kong sabi. Tumawa siya kaya tumawa rin ang kaniyang mga kasama. Tinaasan ko lang sila ng kilay.
"Matapang ka pala, wag kang matakot sa amin, hindi ka namin sasaktan." akmang hahawakan niya ako nang mabilis kong sinugatan ang kaniyang kamay.
Napahiyaw siya at nananaliksik ang mga matang tumingin sa akin. "How dare you—" sasampalin niya sana ako nang bigla siyang sumigaw at tila natakot sa akin. Kumunot ang noo sa inakto niya at napatingin sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...