[Kabanata 18]Dalawang linggo akong nagkulong sa aking silid matapos kong malaman ang kahahantungan ng pag-iisa namin ni Danne. Tulala ako sa kisame habang nagkalat sa aking silid ang hindi ko mabilang na mga libro. I've spent nights reading all of this books hoping that I could find a way for me and my sister not to die.
Kahit maraming nagsasabi na ako ang malakas sa aming dalawa ay hindi pa rin kami nakakasiguro. At kahit totoo 'yun ay hindi ko kaya patayin ang aking kapatid. Ngayon ko palang siya makakasama sa loob ng mahabang panahon naming paghihiwalay tapos—
Napapikit ako. Ilang beses na sinabunutan ang sarili, at baka sakaling magising ako. I can't kill my sister! 'Yun ang sinabi ko sa kanila, I know that Danne can't too..
Sinubukan akong kausapin ng mga Ravenna pero nanatiling sarado ang aking pinto. I don't wan't to talk to anyone until I find a way of harnessing the goddess power without killing my sister.
Lumilipad ang isip ko at hindi magawang basahin ang mga pahina ng aklat. Sa huli ay pinili ko na lamang itong isara at muling bumagsak sa pagkakahiga. I asked Freya if she knows something about the merging, pero katulad ko'y ngayon niya lang din nalaman ang bagay na iyon.
Agad kong tinago ang sarili sa aking kumot ng biglang bumukas ang pinto.
"I told you, I don't want—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinila niya ang kumot na nakatakip sa mukha ko. Bumugad sa akin ang nakapamaywang na si Maxine.
"What?"
"You need to get up. Tonight is Khalil's coronation, you can't miss it." aniya.
Coronation? Tonight?
Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang tuluyan niya na akong hinila paalis sa kama. Pumasok na rin si Klea at pinagtulungan nila akong hilain sa paliguan. Sabi ni Maxine ay kailangan na naroon kami ng kapatid upang magbigay ng basbas kay Khalil kahit hindi pa kami nabibigyan ng opisyal na titulo ng pagiging dyosa.
Ibinabad ko ang aking katawan sa malamig na tubig kasama ng mga mababangong bulaklak. Tamad kong ginagalaw ang aking kamay sa tubig habang lumilipad ang isip ko. Matapos ang mahabang paghihintay ay magiging hari na si Khalil... masaya ako para sa kaniya.
Ilang oras ang tagal na pagbababad ko sa paliguan hanggang dumating si Klea upang ayusan ako. Tatlong iba pang tagapagsilbi ang tumulong sa pag-aayos sa aking kasuotan at buhok. Hindi ko mabilang ko ilang mga batong alahas ang inilagay nila sa aking kasuotan, parte raw ito ng kanilang tradisyon at bilang dyosa ay kailangan na lubos akong nagniningning doon.
Pinaghahanda rin nila si Danne na naninibago pa sa palasyo, nagulat pa raw ito dahil maraming tagapagsilbi ang pumasok sa silid niya. My sister deserves to be here, with me.
"Napakaganda niyo talaga, binibi—ah, dyosa pala.,." komento ni Klea at ngumiti sa akin, tumango naman ang mga kasama niya bilang pagsang-ayon.
"You call me like you used to, Klea, hindi pa naman ako isang ganap na dyosa," tipid akong ngumiti sa kaniya.
"Kahit na po, mahal na dyosa. Nananalaytay sa inyo ang dugo ng unang dyosa." pinagpatuloy niyo ang pag-aayos sa aking buhok.
"Maiba ako, kamusta na kayo ni Myze?" natigilan siya sa tanong ko at mahinang tumawa.
"B-bakit niyo po tinanong n'yan?" pumula ang pisngi niya at yumuko. Napangisi naman ako, simula nung bumalik ako sa imperyo ay madalas ko silang nakikitang magkasama sa hardin ng palasyo.
Nagdi-date ata sila. Tapos pagnakikita nila ako ay agad na mahihiwalay at patay-malisyang babati sa akin. Masaya ako para sa aking dalawang kaibigan, dati kasi ay madalas naming inaasar si Myze sa mga babaeng pumupunta sa bahay niya. Minsan naman ay tumatakas siya at pumupunta sa bahay hanggang umalis na yung babae.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...