K A B A N A T A 20

8 0 0
                                    


[Kabanata 20]

Ilang minuto akong nakatitig sa kaniya at ipilit na pinuproseso ang kaniyang mga sinabi.

Queen? He wants me to his Queen?

"The first time I laid my eyes on you, I knew I felt something. I'm so jealous when you're near around my brothers, minsan kong hiniling na sana ngitian mo rin ako katulad ng pagngiti mo sa kambal..." hinuli nito ang mga kamay ko at marahang hinaplos. Sinalubong ko ang mga malalambot niyang mga mata. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon. "You're driving me crazy. Marami akong sinayang na pagkakataon pero ngayon ay sigurado na ako, I want you here by my side, forever."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga katagang binitwan niya. Tulala lang akong nakatingin sa kaniya habang hindi maawat sa pagbuhos ang luha ko.

"K-khalil.." nangatal ang boses ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Nagkahalo-halo na.

He caressed my face and gently wipe off my tears. His eyes glistened with tears. Full of warmth and affection. I nibbled my lower lip and lower my gaze but he lifted up my chin to met his eyes.

"I am damn inlove with you.." he whispered.

I can feel my heartbeat throbbing. Speechless by his words that are crystal clear. Like a burst fireworks my feeling emerged from the sky. I can still remember the time we've first met, I shouted at him and said that vampire is the worst creature in this world.

I said to myself that I wouldn't fall in love with him but he crashed my wall with his dark orbs. His damn dark orbs. He's sweet on his own way. He showed me how to be a good king in his empire. He showed me how deserving he is for the throne, and he's not just a good king but the best big brother to his siblings.

I bit my lower lip to stop crying but these damn tears wouldn't stop falling.

"Isabelle.." he pulled me closer to him with his warm embrace. Gusto ko siyang yakapin pabalik. I want him to know that I'm happy, but we already reached our limit.

"K-khalil, please stop.." pumiyok ang boses ko. Confusion clouded on his features. Nakasalubong ang kaniyang mga kilay sa hindi inaasahang salita na lumabas sa bibig ko.

Umiling ako sa kaniya at kumawala sa mga bisig niya. Pinunasan ko ang aking mga takas na luha bago sinalubong ang mga mata niya.

"Itigil mo na 'to, mahal na hari. Wag mo na akong bigyan ng pag-asang titingin ka sa'kin balang araw."

"What?" sinubukan niya akong hawakan pero patuloy akong umiiwas. Mapait akong ngumiti.

"Masaya na ako na ganitong lang. You don't have 'to brought me here asked me to be your Queen. Alam kong na hanggang dito nalang ako.."

"Hindi mo ba ako narinig, Isabelle? I am damn inlove with you! I am madly inlove with you! I love you!" he cupped my face trying to met my eyes but I'm avoiding it.

Umiling ako. "You're just confused, my king, you don't love me. Maaaring ako ang nakikita mo ngayon, but you can't fool a mate's bond, Khalil. Sa sandaling dumating na ang babaeng nakatakda sayo'y magiging simpleng dyosa lamang ako sa mga mata mo."

"That won't happen. Sumumpa ako sa mga bituin na ikaw lamang ang babaeng mamahalin ko.."

Hindi ko maiwasang napangiti sa sinabi niya. "You are the most beautful goddess in this world I could ever have.. walang makakahigit ng pagmamahal ko sayo and I'm so lucky that I met you. Isang hari na handa kang paglingkuran bilang aking Reyna.."

"W-what about your mate? Iiwan mo siya sa ere?" natahimik siya sa sinabi ko. "Hindi ako ang nakatakda sayo, mahal na hari. W-with your mate... you can both rule the empire. Siguro nga kaya tayo ipinagtagpo ng tadhana upang maging gabay sa isa't isa. Hindi tayo itinadhana sa isa't isa, Khalil. I'm sorry, I can't be your Queen."

"Wala na akong pakialam kahit hindi tayo nararapat sa isa't isa. Kahit paglayuin pa tayo ng mundo ay ikaw pa rin ang pipiliin ko. Ikaw lang ang mamahalin ko ay ikaw lang ang nararapat na titingalaing Reyna ng Valhalla." mas lumambot ang boses niya at handa sa pagsusumamo.

Umiwas akong ng tingin at kumawala sa mga bisig niya. "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Khalil? Paniguradong masasaktan ang kapareha mo na alam kong nasasabik rin sa'yo. Wag mong sasayangin ang pagkakataon na 'to, mahal na hari. K-kayang pakiusap lang... pakawalan na natin ang isa't isa."

Mahal ko siya pero hindi ko matiim na handa niyang ayawan ang babaeng nararapat sa kaniya na matagal na nilang hinintay. Ang babaeng kanilang magiging reyna at mamahalin ng daan-daang mga bampira.

I don't want to be selfish.

Lumayo ako sa kaniya ng aakma niya akong hahawakan. Nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Umawang ang labi nito at napapikit ng mariin.

"W-why are you always pushing me away, Isabelle? Hindi pa ba sapat ang mga ipinaramdam ko sayo? Nagdududa ka pa ba? Why are doing this to me? H-hindi mo ba ako mahal? Bakit ayaw mo maniwala sa akin?" nagtatanong ang mga mata niya.

"Because I can't feel our connection, Khalil!" malakas na sigaw ko. Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ko at halos hindi ko na matuloy ang sasabihin ko.

"Ni katiting ay walang akong nararamdaman... s-sana ako nalang, sana ako nalang ang nakatakda sa'yo pero hindi! You love me?! Are you certain that you will still have that love? When your mate will arrive, sigurado ka ba na ako pa rin ang laman ng puso't isip mo?! A mate's bond is strong, Khalil.. you are already bounded to her—"

"I'm fucking mateless!" natigilan ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

A-ano?

Bumuntong hininga siya na parang pagod na pagod na. "The enchantress said that she can't feel my mate, that I'm damn mateless. Mahina ang koneksiyon namin sa isa't isa, and she can't explain why. For the first time in history, wala pang nangyayaring ganun, ako palang. You know what my council said? A mateless King will bring destruction to his empire, isa itong sumpa para sa mga bampira. And the only thing I can think of is choosing a mate... a-and I choose you, Isabelle.."

Another batch of tears started flowing on my eyes.

"P-please, I choose you... s-so please, please choose me too." pagsusumamo niya. He held my trembling hand. Mas malamig ang kamay niya kumpara sa akin. I know I can't give him the right answer, kahit sinabi niyang ipinanganak siyang walang kapareha tila'y ayaw kong maniwala. He's a King! Dapat ay may reyna siya sa kaniyang tabi at tatanggapin kong hindi magiging ako 'yun.

Kahit wala pa akong kasiguraduhan ay alam kung may nakalaan na iba para sa akin. If I said yes to him, what would happen to my mate? Maiiwan siyang mag-isa, I don't want to be selfish just because we love each other. Mas magiging kumplikado ang sitwasyon.

No creature should not be born mateless.

Sa unti-unting paglubog ng araw, kasabay ng paglipad ng daan-daang nagliliwanag na parol sa kalangitan, ang paghalo ng kahel sa langit ang mas nagdala ng matindi kong emosyon. Inangat ko ang dalawa kong braso, ipinikit ang aking mga mata, at umusal ng mahinang dasal.

This will be my first responsibility. I may not as powerful as the old goddess, but I am willing to do everything to successfully fullfil my responsibility.

Golden rays of dust slowly glistened on the moonlit night. It swirls around the lanterns, giving each a dust. Nakatulala sa akin si Khalil na siyang unang nakasaksi sa pagbitaw ng aking unang pangako. A drop of tear fell on the corner of my eye while smiling at him.

I can't undo what's already done, but I can prevent it from happening again.

"Ang mga gintong buhangin na humalo sa sinag ng buwan, sa bawat paglusaw nito'y dinggin ang aking kahilingan, bilang inapo ng mahal na dyosa at kapangyarihan na nagmumula sa maliwanag na buwan—ipinapangako ko, wala ng nilalang na isisilang na mag-isa, ang damdamin nila'y hayaang maging isa. Sa bawat luha at sakripisyo, papalitan ng higit na kasiyahan at pananabik, koneksiyon sa isa't isa ay pagtibayin at palakasin, ang pagtatagpo ng dalawang puso'y mananatili sa piling ng bawat kapareha."


-Lucky_Nineteen

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon