K A B A N A T A 50

4 0 0
                                    


[Kabanata 50]

"Sino sa dalawang 'to ang gusto mo unahin ko?" ang mga mata niya'y nakatitig sa akin na parang hinihintay niyang sasagutin ko siya.

Ang lupa ay patuloy sa pagyanig kaya ang mga bitak ay mas lalong lumaki. Ang mga mata ko'y hindi iniwan si Khalil kahit na hindi siya nagpapakita ng kahinaan ay alam kong nasasaktan siya.

Mabilis kumalat ang lason sa kanilang dalawa kaya kailangan kong makaisip ng paraan upang malinlang si Freya. Tumayo ako at aakmang lilipad nang mariing hinawakn ni Enzo ang aking kamay.

"Take me with you. I need to save them," aniya.

"Me too," wika rin ni Simon. Tahimik namang tumango si Hiro.

Muli akong napatingin kay Freya. Alam kong hindi ko makakayanan si Freya mag-isa kaya tumango ako sa tatlong prinsipe. Nauna akong tumungo roon bago sila sumunod sa akin. Kinokontrol ni Enzo ang hanging upang hindi siya mahulog, nakakapit naman si Hiro sa baging na unti-unting tumataas habang nakapatong sa tubig si Simon.

Ang tatlong prinsipe'y sabay-sabay na sinugod si Freya. Matindi rin ang kanilang pag-iingat upang hindi masaktan ang dalawa nilang kapatid. Tatlo rin mukha sa pangkat ng kalaban ang lumipad upang kalabanin ang tatlo.

Habang abala sila sa pakikilaban ay sinubukan kong umatake kay Freya ngunit nakabantay sa kanya ang kanyang itim na usok. Hindi ako makalapit at masugatan siyang muli.

Ang mangkukulam na kalaban ni Enzo ay mabilis na nakalapit sa kanya. Hindi niya namalayan ang malakas na atake kaya tumilapon ang katawan niya at bumagsak sa pader.

"E-enzo!"

Sumunod naman si Simon na tumama ang katawan sa isang puno.

"A-ah..." sinubukan niyang tumayo ngunit agad rin siyang bumagsak. Katulad ni Enzo'y nawalan rin siya ng malay. Napalingon ako sa bunsong prinsipe na nananaliksik ang mga mata habang pinapaulanan ng atake ang kalaban niya. Mabibilis ang kanyang mga baging ngunit mas mabilis rin ang mangkukulam.

Nagulat ako nang makalapit ang isa at inatake si Hiro mula sa likod. Huli na upang harangan ito kaya tumilapon rin ang katawan niya. Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang mabilis na makarating sa kinaroroonan ni Hiro. Bago pa siya bumagsak ay agad ko siyang nasalo. Nakapikit pa siya sa pag-aakalang babagsak siya ngunit agad ring nagmulat nang maramdaman ako.

"Ayos ka lang, mahal na prinsipe?" nag-aalala kong tanong. Tumango naman siya sa akin na gulat na gulat pa.

"Maraming salamat..."

"Ano, Isabelle? Kaya mo pa ba? Alam na alam mo kung paano magtatapos ang laban na 'to. Sino ang pipiliin mo iligtas, huh? Ang iyong hari o ang ikatlong prinsipe?"

Mahigpit akong napakuyom sa aking kamao.

"She's damn triggering you! Just finish her! Kami nang bahala sa mga kapatid namin!" malakas na sigaw ni Nicholas.

"You can even get close to me, paano mo ako mapapatay?" panunuya niyang saad.

"Damn witch, give our brothers back!"

Kumawala si Nicholas ng bilog na gawa sa apoy at inasinta ito kay Freya ngunit agad rin siyang nakailag. Tatlo pang bolang apoy ang pinakawalan niya ngunit isang hamba lamang ng kanyang itim na usok ay agad rin itong nawala.

"Foolish prince!" asik ni Freya at inatake si Nicholas ng kanyang itim na usok. Mabilis na nakailag si Nicholas kaya tumama ito sa malapit na puno.

Iniwan ko si Hiro sa baba at lumapit muli sa pwesto ni Freya. Sina Khalil at Casper ay kasalukuyang wala malay sa kamay ni Freya. Napatingin ako sa mukha ng aking hari at tipid na tumango na tila ba'y nakikita niya ako.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon