[Kabanata 35]I'm the goddess. Makapangyarihan na ako, hindi na ako ang dating mahinang taong maraunong lamang makipaglaban. Pero bakit sa boses na iyon at sa simpleng salita niya'y halos ikangatal ng aking mga tuhod?
I felt him. I felt his presence.
At isa pa ang marka sa aking palapulsuhan. Ang markang iyon ang patunay na pag-angkin niya sa akin. Na kahit anong gawin kong pag-iwas at paglayo, ang markang ito ang magdadala sa akin sa kanya. Si Khalil dapat iyon, siya dapat ang magmamarka sa akin dahil siya ang kapareha ko.
Ngunit hindi niya pa ako nakakagat... hindi niya pa ako namamarkahan.
"Hey... hey..." sinapo ni Khalil ang aking pisngi. Pinagdaop niya ang aming mga noo at marahang hinaplos ang aking buhok.
"He's not gonna take you..."
Agad na namuo ang luha sa aking mga mata. "B-but the mark..."
"We'll get rid of it. Hihingi tayo ng tulong kay Freya, hindi ka niya makukuha sa akin. I got rid all of the paintings." hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng silid. Khalil locked the door and hand me the key.
"Promise me, you will never open this door again. Hindi na natin ito bubuksan kailanman. We will keep this room hidden like it used to be and we'll throw the key. This is the only way, whatever is inside that painting we must never let it out. Nag-aalala lang naman ako sa'yo, naiintindihan mo naman ako di'ba?"
"Then, allow me to do this..." ipinikit ko ang aking mga mata at pinagdaop ang aking palad kung nasaan ang susi. Kumuha ako ng maliit na porsyento ng aking kapangyarihan at sa pagmulat ko'y unti-unting naglaho ang susi.
"Anong ginawa mo?" tanong niya.
"I broke the key into pieces and put each of them to the four empires." ipinakita ko sa kanya ang kapiraso ng susi. "Hindi na natin sakop ang mga kwento sa loob ng silid na ito, kaya sa hinaharap ay may isisilang na nilalang at siya ang magpapatuloy sa mga misteryong naiwan ng dating hari at reyna ng imperyong ito."
Lumambot ang mga mata nito sa akin. "You really think these mysteries can be solve? Paano ka nakakasigurado na ang nilalang na sinasabi mo'y makakatuklas ng lahat ng ito?"
"Hindi ko alam," naiiling na sabi ko. "Ngunit nararamdaman kong may ibang nakalaan para sa mga misteryong ito, I'm just a guide. Alam kong ito ang dahilan kung bakit ibinigay sa akin ni Lorkim ang susi."
Hindi na nagsalita pa si Khalil kaya napagpasyahan naming bumalik sa pagdiriwang. Nakahawak sa aking baywang si Khalil nang lumapit kami sa mga kapatid niya. Sinalubong kami ni Casper na may ngisi sa kanyang labi.
"Akala ko'y tatakas na naman kayo ulit, buti naman at bumalik kayo." aniya.
"At saan naman kami pupunta, Casper?" tanong ko.
"I don't know... in your room maybe, having—" mabilis na nilagyan ni Casper ang bibig ng kambal.
"Ikaw talaga! Kung ano-ano ang sinasabi mo!" singhal niya rito bago kami binalingan ng tingin. "You can go back to whatever you're doing, kami na ang bahala sa mga bisita. Right, brother?"
Halos sakalin na nito ni Casper para lang sumang-ayon sa kanya. Natatawa naman si Nicholas, Simon, at Maxine sa mga pinaggagagawa ng kambal. Khalil and I looked comfusedly at each other. Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi ng kambal.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...