[Kabanata 6]Dumating na ang araw na pinakahihintay ng buong imperyo—ang kaarawan ng nag-iisang prinsesa ng Valhalla, at ang taon nito upang ipakilala ang kaniyang kapangyarihan. Nasa silid ako ng prinsesa kasama si Klea at isa pang tagasunod upang ayusan siya.
Pinagmasdan ko siya mula sa repleksyon ng salamin habang maingat na sinusuklayan ni Klea ang kaniyang mahabang buhok. Sa simpleng pag-upo niya lamang sa harap ng salamin ay nakakaagaw na ito ng atensiyon.
Sumisigaw ang kaniyang pagkadugong bughaw kaya hindi ako magtataka na pinag-uusapan siya ng lahat dahil sa kaniyang angking kagandahan at kabaitan.
"Kinakabahan ako," usal ni Maxine.
"Wala kang dapat na ipangamba, mahal na prinsesa. Your people are already proud of you." sagot ni Klea.
Nakatingin lang ako sa kanila habang nagkukwentuhan silang dalawa. Klea weaves Maxine's hair into braids, twisting and wrapping them into a bun. Even with bare face, Maxine looks stunning.
Pagkatapos siyang ayusan ay nagpaalam ang isang tagasunod upang kunin ang kaniyang damit na susuotin. It is a crimson full-skirted dress with laces on the back. Maxine positioned herself on the pole as Klea begins to fasten it.
Nang matapos ito ay umikot siya. Surely, men will drool over her.
"How did you discover your gift?" I asked out of nowhere.
Sandali siyang natigilan sa tanong ko bago lumingon sa akin at ngumiti. "My gift came out when I was wondering on a lake. I spotted some teen vampires hunting a rabbit. I cried when they left it injured..." she smiled bitterly.
"And I met someone... he helped me...he said that I can heal it but I was too late. The rabbit already died, so..."
"I'm sorry..." wika ko.
"Don't be, it was a long time ago. You two should get dressed also." saad niya sa aming dalawa ni Klea. Tatanggi na sana ako nang magsalita siya.
"I won't take no for an answer. It's my birthday, you two should be there." nagkatinginan naman kami ni Klea at napabuntong hininga.
"Fine."
Nagpatawag pa siya ng iilang mga tagasunod upang ayusan kaming dalawa ni Klea. Pagkatapos ay sabay kaming bumaba hanggang makarating kami sa bulwagan. Nahagip ng mga mata ko si Van na kausap ang kaniyang mga kapatid.
Bumalik sa isip ko ang naging usapan namin, tatlong araw bago ang pagdiriwang.
"Sigurado ba kayo dito?" nangangambang tanong ng ika-walong prinsipe habang nag-uusap kami sa bulwagan kasama ang mga Ravenna. Bago namin inumpisahan ang plano ay gumawa ng malaking bilog mula sa tubig si Simon upang walang makarinig sa aming pag-uusap.
"Are you sure that it's mild?" tanong ni Enzo. Inabot naman sa kaniya ni Van ang maliit na bote bago tumango. "Yes, sa oras na iinumin mo ito ay sasakit ang tyan mo at mawawalan ka ng malay at hinina ang pagtibok ng iyong puso. Your heart will stop beating for ten minutes then you will wake up. Siguro naman ay sapat na 'yan sa gagawin niyo."
Ngumiti ako. "Maraming salamat, mahal na prinsipe. Malaking tulong ito para sa amin."
May pag-aalinlangan sa boses niya. "I don't know what's this for but I was never here."
Tumango si Maxine. "Makakaasa ka, prinsipe Van. Walang magbabanggit sa amin ng pangalan mo."
"I did this for my brother kaya isayaw mo siya, maliwanag?" umawang naman ang bibig ni Maxine at bumuga ng marahas na paghinga. Tumaas naman ang sulok ng labi ng kambal sa narinig habang napailing na lang si Nicholas at Enzo.
BINABASA MO ANG
Ravenna Series #1: Arcane Twilight
VampireWe share secrets but you're still a mystery to me. With the disappearance of his father, Isabelle Dein Lockhart had no choice but to seek help from vampires whom she hates. The further she seeks for her father, more questions about her real identity...