K A B A N A T A 45

4 0 0
                                    


[Kabanata 45]

"S-sandra..."

Lahat kami'y gulat na gulat sa biglang pagsulpot niya. Sandali lamang iyon dahil nagsilabasan na ang mga pangil ng aking kasama upang humanda sa anumang atake.

"Huminahon kayo, hindi ako naririto upang manggulo," wika ni Sandra.

"Hindi manggulo?" sabat ni Enzo. "Sa tingin mo'y maniniwala kami? Isang pagkakamali ang pagpunta mo rito mangkukulam."

Hindi sumagot si Sandra bagkus ay nagkasalubong ang aming mga tingin. Mabilis ko namang iniwas ang aking tingin.

"Anong kailangan mo?" mahinahong tanong ni Khalil ngunit nanatili pa ring alerto.

"I'm here to warn you. Someone's planning to destroy Isabelle, siya rin ang dahilan ng kumakalat na sakit sa Epiro Damian."

Kumunot ang noo ko. "Kilala mo kung sino ang naglason kay Dashniel?"

"Don't be a fool, she's lying. She obviously wants to get inside your head." may diin sa boses ni Casper. Lahat sila'y masasama ang tingin kay Sandra at alam kong hindi magtatagal ang mag-uumpisa na naman ang kaguluhan dito.

Hindi niya pinansin si Casper at bumaling sa akin. "You can't get in touch with your sister, right? Nagpadala ka ng sulat ngunit hindi siya dumating."

Nanliit ang mga mata ko. "Anong ginawa mo kay Danne?"

"Wala akong ginawa sa kapatid mo, mahal na dyosa. Siya mismo ang lumapit sa akin upang balaan ka. She tried to reach you but someone captured her. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon," sagot niya sa akin.

Napakuyom ako ng kamao. I composed myself to calm my nerves and met her eyes. "Why should I trust you?"

"Because I'm the only one who can help you."

Ilang minuto akong nakatigtig sa kanya. Nakikita ko ang pagsisisi sa mukha niya at hindi ko maipaliwanag ang nararadaman ko na ngayong alam ko na ang sekreto niya. I've been tracking her the moment I found out that she was my mother. Sa isang maliit na bayan ko siya natagpuan, nagtitinda ng mga sandata't patalim. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang tanungin kung hindi niya sinabi sa akin ang totoo. Gusto kong isumbat sa kanya ang mga kasalanan niya sa akin, sa aking kapatid, sa aking ina-inahan, at sa aking ama.

I want to hate her, but hating her would get me nowhere. Masaya akong nakikitang nagbabago na siya at iyon ang importante sa akin. Nakilala ko siya bilang kaaway ngunit pinatawad ko na siya bilang aking ina.

"Pangako, wala akong intensyon upang saktan kayo. I know you don't believe me and I don't blame you. I've hurt so many people."

"Enough with your lies, witch!"

Nagulat ako nang biglang sumugod si Nicholas, huli na upang pigilan siya ng kanyang mga kapatid dahil nakalapit na ito kay Sandra. Ang apoy sa mga simbo ay mas lalong lumiyab at sa isang iglap kumalat ang apoy at pinalibutan si Sandra.

Hindi ko na nararamdaman ang kapangyarihan ni Sandra, marahil ay dahil isang ordinaryong bampira na lamang na sinakop ng kanyang katawan. Mabilis namang gumapang ang baging sa buong silid.

"Die!"

"Stop!" mabilis akong nagtungo sa direksyon ni Sandra at ibinuka ang aking mga braso upang protektahan siya. Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang pigilan si Nicholas at Hiro dahilan kung bakit tumilapon sila sa sulok ng silid.

"Don't hurt her," matigas kong wika sa kanila.

Nagulat silang lahat sa nangyari at mabilis na dinaluhan ni Maxine at Simon ang mga kapatid. Punong-puno ng kalituhan ang buong mukha nila at tila hindi maiproseso ang ginawa ko.

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon