K A B A N A T A 44

2 0 0
                                    


[Kabanata 44]

Mabilis kumalat ang balita tungkol sa kumakalat na sakit sa Epiro Damian. Ang ibang mga mamamayang bampira na naninirahan doon na hindi nahawaan ay ipinalikas muna at pansamantalang ipinatira sa Valhalla.

Sa isang malaking silid nakaratay ang daan-daang bampirang tinamaan ng misteryosong sakit. Nag-umpisa ito sa Badalon kung saan isang matandang bampira ang biglang nahimatay, ang akala ng lahat ang kulang lamang ito sa dugo kaya ipinagpahinga siya sa kanyang tahanan.

Sa mga sumunod na araw ay nahawa rin ang pamilya nito hanggang sa unti-unting kumalat. Pansamantalang ipinasara muna ang imperyo hangga't hindi nabibigyan ng solusyon ang lahat ng mga bampirang nagkasakit. Ang kanilang balat ay nangitim at ang kanilang mga mata ay naging puti.

Ang ilan sa mga nakaratay ay nangisay at tuluyang binawian ng buhay. Maraming mga babaylan ang gumamot sa mga ito ngunit hindi pa rin nawawala, maging ang kapangyarihan ni Maxine na makapaggaling ng mga sakit ay hindi rin tumatalab.

Napuno ng iyak at pangungulila ang mga naiwang pamilya ng namatay. Ibinalot ang mga ito sa puting kumot at napagpasyahang sunugin na lamang upang hindi na makahawa pa.

"Any news?" tanong ko kay Van na kasalukuyang nagbibigay ng pagkain at dugo sa mga may sakit. Napabuntong hininga ako nang umiling siya sa akin. Nag-uusap naman sina Khalil at Dark sa labas at naboluntaryo na ring tumulong sina Nicholas, Hiro at Maxine.

"Maaari ko bang makita ang matandang unang dinapuan ng sakit? Baka may mahanap ako na maaaring maging lunas."

Tahimik siyang tumango siya sa akin bago lumabas ng silid. Habang naglalakad kami sa pasilyo ay hindi ko maiwasang maging malungkot. Van is one of the cheerful vampire that I know, dahil sa nangyari sa kanilang imperyo ay hindi niya magawang ngumiti. Halos mismo silang magkakapatid na lamang ang tumutulong sa kanilang nasasakupan dahil wala silang ibang maaasahan.

Tumigil si Van sa harap ng isang pinto. Ang kamay niya'y nakatigil sa sedura mg pinto na tila'y nagdadalawang isip na buksan ito. Huminga siya ng malalim bago ako nilingon.

"May problema ba, mahal na prinsipe?" tanong ko. Sinubukan kong salubungin ang kanyang mga mata pero siya mismo ang kusang yumuko na tila nahihiya sa akin.

"A-ang totoo niyan mahal na dyosa, the old lady is not the one that first caught the unknown disease..." aniya.

"What?"

Nang mag-angat siya sa akin ay kitang-kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Nanginginig ang kanyang labi at mariing kinagat ito. Without a warning, he turned to the door and opened it.

Pinauna niya akong pumasok sa loob. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakaratay sa kama at mahimbing na natutulog.

"My brother's the first one to show the symptoms. He's the first carrier."

Napakagat ako ng labi bago lumapit kay Dashniel. Ang ika-apat na prinsipe ng Epiro Damian ay nakaratay ngayon at nanghihina. Hindi ako makapaniwalang bumaling kay Van ngunit nanatili siyang nakayuko.

Siya ang unang dinapuan ng sakit at isinikreto nila ito sa mamamayan nila upang hindi masisi ang kanilang pamilya. Nagkagulo na rito dahil sa pag-aagawan ng mga gamot at mas lalong lalala ang sitwasyon kapag nalaman nila na ang Prinsipe Dashniel ang naging dahilan ng paghihirap nila.

"Kararating niya lamang mula sa Criena upang tignan ang mga bampirang naninirahan doon. He was still smiling when he left. I never thought that he will end up like this... sana pumayag na lamang ako kagustuhan ni Dark.. kung ako sana ang pumunta roon at hindi si Dashniel... ako sana ang nakaratay ngayon at hindi siya..."

Ravenna Series #1: Arcane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon