Chapter 16: TRIPLE A!

984 21 4
                                    

Ang tanging naririnig ko ngayon ay yung tibok ng puso ni Dane at ng akin. Parang naghahabulan ang kada tibok nito. Magkayakap pa rin kami hanggang ngayon pero bumitaw rin ako atsaka tumingin sa mga teammates niya.

Lahat sila nakangiti at may bakas ng saya sa mukha. Kung pwede lang na lahat sila gawin kong teddy bear para lagi kong kayakap pero masyado naman silang macho para gawing teddy bear. Ahihi!

"IDOL!" Sigaw ni Christopher. Napangiti ako sa sinabi niya. Ayan tuloy! Gusto ko na siyang i-power hug pero hindi ko magagawa iyon. Nakaakbay kasi sa akin si Mr. Pervert eh.

"Galing mo!" Puri sa akin ni William.

Lahat sila nagsimula ng magsalita. Naku! Ang kukulit ng mga bunganga nila.

"Ikaw na!"

"Wonder Woman!"

"Asawa ni Superman!"

"I Love You!!"

Nakuha ni Aldrin ang atensyon ko pati na rin ni Captain este Dane pala.

Bwiset! Bakit ba puro ako Captain ng Captain? Hindi naman ako basketball player at mas lalong hindi ko siya leader. Naku! Bwisit na utak.

"What did you just say?" Tanong ni Mr. Pervert. Halata sa boses niya ang paggigil. Hindi kaya galit siya? Bakit naman? Sinabihan lang ako ng 'I love you 'galit agad? Ang babaw naman niya. Tsk tsk tsk.

"Ahhh..... Sabi ko captain ang pogi ng pader." Sabay tingin niya sa pader. Ang galing naman ng palusot niya. Ngayon lang niya yata napag-isipan.

Patuloy pa rin si Aldrin sa pagtingin sa pader. Ayaw niyang tumingin sa aming dalawa. I mean, ayaw niya pa lang tumingin kay Mr. Pervert.

Inirapan lang siya ni Dane at patuloy pa rin sa pag-akbay sa akin. Ang bigat kaya ng braso niya. Kasing bigat ng elepante. Ang laki kasi ng muscles eh.

AHHH! Angel, huwag puro muscle ang isipin dapat ang beauty mo. Tama! Ipagyabang mo ang pagiging dyosa mo. Go girl!

"Pinuno, mag-celebrate naman tayo." Suggestion ni Xian na ikinasaya ko.

Pero celebration agad? Naka-shoot lang ako ng bola sa ring, magsasaya na? Grabe naman ito! "Naka-shoot lang naman ako ah. Bakit kailangan pa mag-celebrate?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Hindi lang dahil doon." Sambit ni Rey.

Huh?

"First time kasi namin magkaroon ng babaeng teammate." Dagdag ni Jin.

Mas lalo lang nila pinagulo ang isipan ko. Ang ibig ba niyang sabihin parte na ako ng Black Lions? Ayaw ko nga! Ayaw ko sumunod sa Perverted. Hmp!

"Welcome to the Black Lions!" Pag-welcome nilang lahat imbes lang kay Dane dahil nakatitig pa rin siya sa kanilang lahat.

Ayaw ko sanang pumayag sa kanila pero ang cute-cute kasi nilang lahat eh. Ang sarap pisilin ng pisngi nila kaya imbes na umayaw ay hinayaan ko na lang sila. Sana naman hindi ako gagawa ng mga push-ups or anything na included sa basketball.

"Huwag ka mag-alala. Hindi ka naman talaga magbabasketball eh. You'll just watch us at ano pa ba?" Saad ni Aldrin pero naputol rin dahil wala siyang maisip. "Uy! Tulungan niyo naman ako!" Tawag niya sa teammates niya.

"Tingnan mo naman ang loko!"

"Lagot!"

"Ayan tuloy."

"Ahahaha!!"

"Bahala kang mag-isip."

Iniwasan na lang sila ng tingin ni Aldrin atsaka tumingin ulit sa akin. "Basta alam mo na iyon." Tanging saad niya sa akin. Wala na talaga siyang maisip.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon