Chapter 4: Music Practice

2.3K 39 2
                                    

"Alice! Nasaan ka na? Alice!" Nandito na ako sa Simistic University at karaniwang hinahanap si Alice kasi gusto ko sabihin sa kanya yung tungkol sa nangyari sa akin kahapon kung saan naging totoo ang first wish ko.

Makalipas ng 5 minutes hindi ko talaga makita si Alice kaya pumunta na lang ako sa music room kung saan ko makikita si Mr. P. Kanino ba nagmana yung lalaki na iyon at ubod siya ng damot, yabang at bastos? I just hate that boy. Pagpasok ko sa room nakita ko si Dane na naggigitara. Marunong pala siya tumugtog ng instrument well, good for him.

Humanap na ako ng mauupuan na malayoooooo kay Dane. Napansin ko na lahat pala ng estudyante may kanya-kanyang instrument na tinutugtog tapos may nakita akong piano. Tiningnan ko kung may ibang gagamit ng piano.

Tingin sa kaliwa

Tingin sa kanan

Tingin sa Likod

Buti nalang at walang gagamit.

"Good morning class, today is our practice for the music activity." Anunsyo ni Ma'am Alejandra.

Magsisismula na ang nightmare ko.

"And may I remind all of you that all of your classes are cancelled. Your class today is just music class." Sa sinabi ni Ma'am parang gusto ko ng magpaburol. Ang sakit sa heart. Whole day na puro kamalasan ang dating. Whole day of music class means whole day ko makakasama si Mr. P? Siguro ito na yung pinaka-worst na araw ko dito sa school.

"Please go to your respective partner." Sabi ni ma'am

Hindi ako umalis sa kinauupuan ko dahil ang akala ko si Dane A.K.A. Mr. P ang pupunta sa akin pero hindi pala. Tiningnan ko si Dane at nandoon pa rin siya kaya tinawag ko siya.

"Pssst. Dane punta ka nga dito!" Tawag ko sa kanya.

"At bakit ako?" Pagsimangot niya

"Aba! aber alanganaman ako pa ang pumunta diyan."

"Syempre naman. Ang bigat kaya ng gitara." Sabay acting niya na para bang nabibigatan. Ipalo ko 'yan sa ulo niya eh.

"Mas mabigat kaya ang piano." Saad ko naman. Umakto pa akong bubuhatin pa 'to.

Wala akong choice, pumunta ako sa upuan ni Mr. Pervert at hinatak ko ito. Nagulat siya nung ginawa ko iyon. Dapat lang. Napakatamad kaya niya. Siguro kung nasa bahay ito meron itong katulong. May nagpapakain sa kanya, May nagpapaligo sa kanya at may nagpapatulog sa kanya. Napakatamad! Punyatera!

Yung nandoon na kami sa piano. Nakita ko yung mukha niya na nakatingin sa akin tapos sa piano, sa akin ulit at sa piano na naman. Ano? Salitan lang?

"You know to play the piano?" Pa-inosente niyang tanong.

"Obvious naman diba?!" Pagtataray ko sa kanya. Geez. Wala ako sa mood makasama 'tong alien na ito.

Nakita na nga ako na nagpi-piano itatanong pa kung tumutugtog ba ako. Harajusko! "Okay class all you have to do is make 2 songs." Sabi ni ma'am. Ibig sabihin gagawa kami ng kanta. Magagawa nga ng title.

"Gawa ka title" Ani Dane.

"Tumahimik ka nga, pervert." Sabay irap sa kanya. Hindi na niya kailangan iutos sa'kin ang mga kailangan kong gawin. Hindi naman niya ako alipin at hindi ko siya amo.

"And stop calling me pervert."

Tinigasan ko boses ko. "Never!" Pagmamatigas ko. Deserve lang niya ang pagtawag ko sa kanyang iyon.

"Just think a damn title." Inis niyang saad. Saan ba siya pinaglihi at mura siya ng mura? Teka nga. Mura ba yung damn? O mahal? Charot!

Kinuha ko yung notebook ko at gumawa ng mga choices. At dahil napadala ako sa galit iba yung mga nagawa kong title.

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon