Kakauwi ko lang sa bahay galing sa University. Ang ikinatataka ko ay kung bakit wala pa rin si kuya sa bahay. Akala ko pa naman nauna na siyang umuwi sa akin kasi late na nga ako nakabalik ng bahay. Gabi na. Siguro may date na naman iyon kasama si Angel. Naku, si kuya, napakaresponsableng boyfriend kay Angel. Napakaswerte talaga nilang dalawa. Sana magtagal ang relasyon nila. Yung tipo na nasa harapan ako nakaupo habang pinapanuod silang dalawa sa harapan ng altar. Syempre suportadong-suportado ko na sila. Naglalakad pa lang si Angel papunta sa harapan magtititili na ako.
Kailan naman kaya yung sa akin?
Nagpalit na ako ng damit at dumiretso na sa kwarto ko. Wala akong ganang kumain ngayong gabi. Hindi ko feel eh. Pero babawi na lang ako mamayang midnight snack. Ahihi!
Nilabas ko yung laptop ko sa side drawer atsaka ito binuksan. Pumunta ako sa Twitter at nag-log in sa account. Wala rin naman akong magawa ngayon kaya magti-tweet na lang ako.
'Oh my! Sinong mag-aakalang isang torpe pa ang liligtas sa buhay ko.'
Masiyado yatang exaggerating ang tweet ko. Sige na, ok na rin naman iyan. Nagawa ko na eh. Ano pa ba ang dapat kong baguhin kung nasa past na iyon? All I need is to deal with my present and wait for my future.... boyfriend. Hugot iyon, te. Charing!
Isang minuto pa lang ang nakakalipas at nagkaroon ako ng isang bagong follower at meron ring sampung nag-retweet ng tweet ko. Yung siyam ay dati ko pang mga followers habang yung isa naman ay galing sa bagong follower. Tiningnan ko naman yung username niya.
'AkoSiMarco'.
Username pa lang mukhang alam ko na kung sino siya. Si Marco. Pumunta ako sa profile niya at meron na siyang over 2,000 followers. Siguro rumami 'to dahil marami na namang babae ang nabihag niya. Pero wala pa ring tatalo sa 5,000 followers ko. Syempre yung mga lalaki all around the world pinagmamasdan ang beauty ko. Wapak! Malay ko ba kung saan nanggaling ang ganyan karaming followers ko basta proud na ako diyan. Ang tawag ko pa naman sa mga followers ko ay 'Engkantos'. Syempre sila ang laging nasa tabi ko dahil ako nga ang kanilang.... alam niyo na. DYOSA!
Pagbigyan niyo na ako. Minsan na nga lang ako maging proud sa sarili eh. Charot!
Binasa ko yung recent tweet niya.
'Dinaig ko pa yata si Superman kanina.'
Napatawa naman ako sa tweet niya. Parang proud na proud pa siya ng masalo niya ako kanina. Nire-tweet ko ito at nagpatuloy sa pagtingin ng mga ginagawa niya sa Twitter. Suddenly, nag-tweet ulit siya.
'Yipee! Pinansin niya yung tweet ko.'
At nag-tweet ulit.
'Nabulag na naman ako sa kagandahan niya.'
At nag-tweet na naman.
'Kung hindi lang ako torpe matagal na kitang niligawan.'
And that caught my attention.
Isang nakakaibang pakiramdam ang bigla kong naramdaman. Mabilis tumibok ang puso ko. Hindi gumana ang pag-iisip ko. Tingin ako ng tingin sa paligid ko. Paulit-ulit sa isip ko ang tweet niya.
'Kung hindi lang ako torpe matagal na kitang niligawan.'
'Kung hindi lang ako torpe matagal na kitang niligawan.'
'Kung hindi lang ako torpe matagal na kitang niligawan.'
Liligawan niya ako? Eh di ba nga torpe siya? Paano naman iyon mangyayari? Parang napaka-imposible. Pero ang tanong ay kung gusto ko ba siya. Kasi baka nadadala lang ako sa emosyon ko kaya nasasabi kong gusto ko siya. Mamaya niyan hindi pala siya ang para sa akin. Ang ending ako yung masaklap. Ayaw ko ng ganoon!
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...