Briana Angel's POV
"Linisin mo iyan tapos ano ba iyan?!.... Ligpitin mo nga." sigaw ni Mr. P. Langya! Ginawa akong yaya ng isang ito.
"Ano ako yaya mo?" Tutol ko. Ngayon na kasi yung pag-alis ni Mr. Pervert sa hospital kaya todo utos siya at ginagagawa niya rin sa akin ito bilang isang parusa ng dahil sa sinabi ko kahapon. Bakit ko pa kasi nasabi iyon?!! Ayan tuloy.
Wala kaming pasok ngayon kaya magpasalamat siya na nandito ako kundi kawawa siya. Ng matapos na ako maglinis at magligpit binuhat ko na yung mga bagahe ni Mr. Pervert at yung nurse naman tinulak si Mr. Pervert na nasa wheelchair.
"Halika na po ma'am sabi nung nurse. Parang familiar yung boses ng nurse. Parang narinig ko na iyon before. Saan ba?
"Hoy, tulala ka na diyan." sabi ni Mr. Pervert. "Halika na."
"Saan?" Tanong ko kasi hindi ko naman alam.
"Sa kotse" tsaka ko lang napansin na may isang mahabang kotse na nasa harapan ko. Ang lutang ko talaga. Tinulak ko na yung wheelchair ni Mr. Pervert kasi yung nurse umalis na. Nang makarating na kami sa kotse niya dali-dali kong ibinaba yung bagahe ni Mr. Pervert at tinulungan siyang sumakay sa kotse. Buti nalang at may driver.
Habang bumabiyahe kami tinignan ko si Mr. Pervert. Nakatulog.
Cute niya.
Sarap picturan kaya kinuha ko kaagad yung cellphone ko at pinicturan agad siya bago pa siya magising.
*Click*
And save. Tinabi ko ulit yung cellphone ko at tiningnan yung labas ng kotse. Nasa bintana kasi ako.
"Ang ganda." habang tinitignan ko yung mga malls, fast food chain tapos yung mga naglalako. Unti-unting sumasara yung mga mata ko ng hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Sige, iwanan natin dito?" Hah? Ano iyon? Nagising ako ng dahil sa usapan ni manong driver at ni Mr. Pervert. Imbes na magsalita ako nag-pretend ako na tulog pa rin."Oo, basta huwag ka maingay" sabi ni manong driver at um-oo naman itong baliw na ito.
So, kung iiwanan nila ako kailangan ko ring maka-isip ng plano.
Dapat magpe-pretend ako na naiihi ako tapos bigla akong tatakas. Tama!!
"Woaaaaahhhhhh" hikab ko. "Ahhh... Manong driver pwede po ba tayo mag-stop sa isang gasulinahan kasi po naiihi na po ako eh" Sana payagan ako dahil part ito ng plano ko.
"O, sige po." YES!!
Pagkarating namin sa isang gasolinahan dali-dali akong lumabas sa kotse at tumakas pero siyempre binagalan ko para hindi ako marinig at makita and buti nalang at success.
Ang galing ko talaga!
Pero may isa akong napakalaking problema..... Paano ako makakauwi?
Umupo ako sa isang tabi at nagpahinga ng konti pagod na pagod kasi ako sa pagtakbo. Hindi nagtagal may nakita rin akong jeep kaya sumakay ako. "Tabi po, excuse me, makikiraan lang ho" rami namang nakasiksik kaya nagtiis na lang ako. Malayo yung biyahe kaya in-enjoy ko muna yung fresh na Tae ng baboy?!!
Anak ng Veet naman oh!!!
Ang baho. AS IN. Tinakip ko yung ilong ko para hindi ko maamoy. Tumingin ako sa paligid at doon ko lang nalaman na sa palengke pala galing iyon.
Nung malapit na ako sa street ng bahay ko kumuha ako ng barya sa pocket ko tapos ibinayad ko kay manong atsaka ako bumaba. Pagkarating ko sa bahay bigla kong nakita si kuya na nakatingin sa akin na parang sinasabing lagot ka.
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...