Alyssa's P.O.V.
"Ano ba naman iyan, Alice?! Hindi mo naman ako inaayusan eh. Ginugulo mo lang yung buhok ko!" Reklamo ko kay Alice. Ito naman kasing si bes imbes na ayusin ang buhok ko at gawin akong Cinderella mas ginulo niya ito at ginawa akong stepmother ni Cinderella.
"Ang gulo diba? Parang relasyon, minsan magulo. Yung tipong hindi mo na alam kung anong gagawin mo tapos ang naiisip mo na lang na solusyon ay maghiwalay kayo kasi hindi mo na rin naman kayang ayusin. Sobrang gulo." Malungkot niyang saad habang hawak ang buhok ko.
Nakuha pa niya talagang humugot. Hello! Sobra na ang pagkataranta ko dito tapos siya kalma lang. Palibhasa, hindi naman kasi siya ang may date! Fifteen minutes na lang at susunduin na ako ni Marco. Bawal akong magpakita sa kanya na ganito kasabog ang buhok ko. Magmumukha akong bagong gising.
"Akala ko ba marunong kang mag-ayos? Tingnan mo nga 'to!" Reklamo ko ulit sa kanya. Para akong bata na ayaw yung suot na damit. "Mukha akong bagong gising na daga." Dagdag ko. Nagmumukha na akong manok na kakatapos lang ipangsabong.
"Uy bes, huwag ka ngang aarte-arte diyan. Ikaw na nga itong may lovelife, ikaw pa itong may ganang magreklamo. Aba, huwag naman ganyan atsaka tingnan mo nga sarili mo sa salamin. Maganda naman yung make-up ko sa'yo ah." Nakangiti niyang sabi. Sinunod ko yung sinabi niya.
Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Tama nga si Alice. Sobrang ganda ng pagkakaayos niya sa mukha ko. Para akong Disney Princess na totoo pero syempre mas bongga ako kaysa sa mga prinsesang iyon. Mamaya makikita ko na ang prince ko. Pero paano itong buhok ko.
"Akala ko ba aayusan mo ako ng mukha at buhok?" Tanong ko. Kuntento na ako sa make-up na ginawa niya pero nagmumukha pa rin akong beast imbes na beauty dahil sa buhok ko.
"Correction. Mukha lang, teh. Wala akong kaalam-alam sa pag-aayos ng buhok." Pagtatama niya. Eh tama bang ngayon niya lang sinabi? Kung kanina pa iyan edi sana pinapunta ko na rin si Angel para tulungan ako.
"Sh*t! Paano na ako nito." Natataranta kong saad. Tinignan ko yung wall clock sa gilid. "Ten minutes na lang!" Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung anong kukuhanin ko. Kung anong aayusin ko.
Suddenly, may naisip akong ayos. Kumuha ako ng isang ipit mula sa make-up table atsaka tinali ang buhok ko. Ito na lang kasi ang naiisip kong paraan atsaka diba nga sabi nila 'Simple is the new beautiful.'?
"Bes, ano 'yan?! Ang pangit mong tingnan. Hindi terno yung ayos ng buhok mo sa damit na suot mo." Reklamo ni Alice. Aba naman, siya pa itong may ganang magreklamo sa akin samantalang siya naman yung may kasalanan. Argh!
"Okay na ito! Bakit, may naiisip ka pa bang ayos na kayang matapos ng eight minutes." Pagpapaala ko sa kanya ng oras. Eight minutes na lang at pipindutin na ni Marco ang door bell sa baba.
"Syempre naman, bes." Saad niya sabay labas ng isang plantsa para sa buhok. "Kukulutin ko yung dulo ng buhok mo. Iyon ang babagay sa'yo. Huwag mo ng tanungin kung kakasya ba ito sa eight minutes. Trust me, Alyssa. This will work." Confident niyang wika. Agad-agad niyang sinaksak yung plantsa atsaka sinimulan ang proseso sa aking buhok. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Diba nga sabi niya wala siyang kaalam-alam sa pag-aayos ng mga buhok? Paano na lang kung masunog yung buhok ko? E di mas lalo akong pumanget? Magmumukha akong nakasinghot ng limampung drugs?
Pero may tiwala naman ako kay Alice eh.
"Bes, magdahan-dahan ka ah. Ayaw kong lumabas ng kwarto na ito na nagmumukhang nakuryente." Kinakabahan kong sabi. Nag-sign of the cross pa ako para naman mabantayan ni Lord yung buhok ko. Delikado na kasi kapag kamay lang ni Alice ang pabayaan ko.
Lumipas na ang pitong minuto pero hindi pa rin tapos yung pagpaplantsa ni Alice. One minute na lang ang natitira at pupunta na dito si Marco. Hala! Aabot pa ba yung buhok ko?
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...