"WAAAAAHHHH!!"
"HINDI KO NA KAYA!!!"
"BAKIT!!?!!"
"WAAAHHH!!!"
"BAKIT SIYA NAMATAY?!!"
Hindi ko na kaya ito. Magbe-break down na ako. Nagsisisi ako kung bakit ito pa yung napili kong panoorin! Nakakaiyak naman.....
"WAAAAHHH!!!!" Patuloy ko sa paghagulgol.
Bakit kasi namatay pa yung amo ni Hachiko? Ayan tuloy, pinaantay niya sa harapan ng train station.
NAMATAY RIN!
"WAAAAAAHHHH!!!!"
"Huy!" May sumaway sa akin mula sa kabubukas lang na pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si Kuya Ramond na naka-cross arms tapos tinitingnan ako ng masama. Naiinis yata siya sa akin.
"Kanina ka pa hagulgol ng hagulgol. Umayos ka nga! Putek!" Suway niya sa akin. Umalis siya ng kwarto ko at padabog na sinarado yung pinto. Narinig ko pa nga siyang nagmura pero wala sa akin iyon.
Kakatapos ko lang panuorin yung movie na 'Hachiko'. Totoo nga yung sinabi nila na nakakaiyak ito. Sa unang part nga nung movie, Masaya pa kaya nakangiti pa ako at natutuwa pero nung namatay yung amo ni Hachiko puro iyak na lang yung ginagawa ko.
Naalala ko tuloy yung —- yung.......
"WAAAAAHHHHH!"
Kulang na lang maging Falls itong mukha ko dahil sa sari-saring luha na lumalabas sa dalawa kong namamagang mata. Gusto kong pumunta sa statue ni Hachiko. Gustong- gusto ko talaga. Gusto ko siyang makitang buhay pero alam ko naman na imposible iyon eh.
Bumukas na naman yung pintuan at nakita kong pumasok si kuya pati na rin si mama. "Ma, padala mo na nga iyan sa mental." Tinuro ako ni kuya kay mama.
"Che!" Tanging saad ko at nagpatuloy sa paghagulgol.
Lumapit sa akin si mommy tapos tumingin sa pinapanood ko. Napakunot noo siya sa akin atsaka tinanong."Iniiyakan mo yung credits, anak?" Halos natatawa na siya pero pinipigilan ni mommy.
"Ma, hindi yung credits." Napaupo ako. "Yung mismong movie." Pagtama ko kay mommy. Tiningnan niya yung title nung movie sa DVD case at tumingin ulit sa akin.
"Iyon naman pala eh. Bakit kasi ito yung pinanuod mo, anak?" Tanong niya.
Napahikbi na lang ako at tumingin ng diretso kay mommy. Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko at sinabing "Hingi 300.00." Paghingi ko kay mommy.
"Pera agad?" Nakapameywang na saad ni mommy.
"Saan ka naman pupunta?" Dagdag niya,
"Mamamasyal lang po."
Gusto ko munang makalanghap ng hangin sa labas. Yung hindi pollution. Gusto ko kasing gumaan yung pakiramdam ko. Hanggang ngayon kasi puro si Hachiko ang nasa isip ko. Ayaw pa ring umalis.
Kung kay Hachiko pa nga lang bumigat na yung pakiramdam ko, paano pa kaya kung may boyfriend na ako.
AHHH!
Erase. Erase. Erase. Ano ba yang iniisip mo, Angel? Future agad ang inaatupag. Siguro pasyal lang ang sagot dito. Tama! Kailangan kong mamasyal.
Umalis na sina mama ng mapansin nilang maayos na ako. Pumasok ako sa loob ng washroom at nagbihis at nag-ayos rin ng sarili. Kumuha na ako ng pera sa wallet ni mama at nagpahatid na sa driver namin. Matagal rin yung biyahe dala ng mga traffic.
Nang makapasok na ako sa loob ng park, puro magkasintahan ang nakikita ko. Kahit anong direksyon ang puntahan ko puro magkasintahan ang nakakasalubong ko. Hindi naman 'Lovers Park' ang pangalan ng lugar na 'to ah. Tadhana nga naman....
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...