"Ma'am sa room 403 po." sabi nung nurse. "Ok thank you." pagsagot ko. Mabilis kaming pumunta sa room ni Mr. Pervert na ang room number ay 403. Nandito na kami ngayon sa hospital at kasalukuyang nagmamadali sa paglalakad. Habang naglalakad kami tanong pa rin ng tanong si Alice kung anong nangyayari. Tumigil ako sandali at hinarap ko si Alice.
"Nahulog si Dane sa hagdanan at marami siyang nabaling buto." Sa sinabi ko na iyon buti na lang at tumahimik na si Alice kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang makarating na kami sa harap ng room kinabahan akong pumasok kasi hindi ko alam kung ano sasabihin ko kay Mr. Pervert kaya pinauna ko muna sila Alice at Rey. Habang nasa labas pa ako nag-isip muna ako kung ano sasabihin ko.
Hi Mr. Pervert masakit pa ba?
Panget yung tanong na naisip ko kaya nag-isip ulit ako.
Hi Mr. Pervert! Kamusta karma mo? Masarap ba?
AHH!!!!
Wala akong maisip na tanong kaya pumasok na lang ako sa loob. BAHALA NA SI BATMAN.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto nakita ko si Mr. Pervert na nakahiga at nakataas yung isa niyang binti. Kawawa naman. Nakita ko naman si Rey at si Alice na nakaupo sa isang tabi. Tatabi na sana ako sa kanila pero isang tanong na galing sa isang lalaki ang nagpaharap sa akin sa kanya.
"Bakit ka nandito?" Aba! Teka lang!!! Ako na nga 'tong dumalaw sa kanya siya pa itong magtatanong kung bakit ako nandito. Kailangan ba may invitation? "Bakit masama ba?" Pagtanong ko.
"Oo." pagsagot niya at kailan ba naging masama pumunta sa hospital at dalawin ang may sakit.
"At kailan naman naging masama, aber?"
"Since you came, dork."
ANAK NG SIOPAO!!
Ano tawag niya sa akin?!!!
DORK!!!
Sino ba kasi ang nagimbento sa halimaw na ito eh. Pampagulo lang ng buhay!!!!!!!!
"FYI, I'm just a simple girl." Pagkasabi ko niyon biglang nagsalita si Mr. Pervert.
"Yeah right."
LALASUNIN NA KITA!
Gusto ba nito mamatay!!
"Uhmm... Sorry to disturb pero nandito kaming dalawa." sabi ni Alice. "So, be quiet." dagdag ni Rey. Nanood na lang kami ng T.V. Ni Mr. Pervert dahil umalis yung dalawa para bumili ng pang-dinner kasi gagabihin raw kami dito.
After 15 minutes......
"O, guys ito na" sabay lapag nila Alice at Rey ng ulam at kanin sa table. Inayos ko na yung pagkain atsaka ko ibinigay sa bawat isa. Yung kay Mr. Pervert naman inilagay ko sa mini table na malapit lang sa kanya. Kumain kami ng kuamain hanggang sa maubos na yung ulam at kanin. ANG SARAP!!!!!
Habang nililigpit ko yung pinagkainan namin bigla akong hinila ni Alice palabas ng kwarto.
"Mag-stay ka dito" bigla niyang sabi
"Huh?" Ano sinasabi nitong isang 'to?
"I mean ikaw ang magbantay kay Dane."
O_________O
Amfot@!!!!
"Ayaw." Ayaw na ayaw ko talaga. Tiningnan ko si Alice at umiiyak na siya!! Hala! Paano iyan?!!!
"Huy, huwag ka naman umiyak diyan oh." Pero hindi pa rin siya tumitigil kaya kinantahan ko na lang siya. "Tahan-tahan na, Tahan Tahan-tahan na, Tahan-tahan na" Biglang tumigil sa pag-iiyak si Alice at pinalitan ng tawa. Anyare?!!
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...