"Nasaan ako? Aray! Ang sakit!" Pag-gising na pagkagising ko parang ang sakit ng hita ko para bang kumikirot ito ng sobra-sobra pati na rin ng ulo ko Napakasakit. Nasaan ba ako? Tumingin ako sa paligid at may nakikita akong First aid kit, Band-aid, Cotton buds tapos nakahiga ako sa isang kama. Wait lang!! Nasa Clinic ba ako? Sino nagdala sa akin dito?
Think.....
Siguro merong prince charming na nagbuhat sa akin. Nakakakilig naman! Pero meron sa part ng isipan ko ang bigla kong naalala na wala pala akong prince charming kundi isang PERVERT. Sa karami-rami ng mga lalaki kasi bakit siya pa? Bakit siya?
Humiga lang ako doon at kinakanta yung Love on top. Wala kasi akong magawa eh. Pero may isang halimaw ang bumungad sa harapan ko. Panira naman oh. Ang ganda-ganda ng view at ng pagkanta ko tapos bigla-bigla siyang tatayo sa harap ko.
"Hoy! Mr. Pervert, sino ka para tumayo sa harapan ko?" Tanong ko sa kanya.
"Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil niligtas kita doon sa cafeteria." pagpapaliwanag niya.
"So?"
"Anong so? If I didn't came to the cafeteria, all the people there will laugh so hard while you are just crying like a baby." Dagdag naman niya. Well the prince has a point but I don't care.
"Si Bhea Dion yung bully queen." Pag-alala ko sa babaeng bruha.
"I know basta mag-ingat ka na lang." Paalala niya sa akin. Napaka-caring na naman niya pero dapat ako manigurado kasi baka niloloko na naman niya ako. Ayaw ko ng maging tanga.
"Hoy! Mr. P, bakit napaka-caring mo? siguro niloloko mo na naman ako noh?" Tanong ko sa kanya. Bahala na kung bakit ako nacu-curious.
"Hindi kaya. I'm here because the nurse left for a minute." Sagot niya sa akin. Nakuntento naman ako kaya patahimikin na ang kapre. Nag-awayan kami na parang aso't pusa (Bago pa ba iyon?) at nagsigawan pero yung mahina lang. May pumasok na nurse sa clinic at may dalang needle, syringe, cotton at alcohol. This only means one thing, Iinjectionan nila ako. I hate those things, masakit. Ang sabi ng iba para lang itong kagat ng langgam pero para sa akin kagat na ito ng isang aso. Napaka-OA ko ba? Nung bata pa ako kung tutusukan ako lagi akong nakahawak sa kamay ng mama ko ng napakahigpit pero she doesn't mind kasi raw normal lang iyon pero ngayong 16 na ako normal pa kaya iyon?
"Angel, iinjectionan na kita ah. Kailangan mo ito para hindi ka mahilo at para hindi na kumirot yung hita mo. Sandali lang ito. Stay steady." Sabi ng nurse. Humanap ako ng mahahawakan pero wala. Hahawak sana ako kay Mr. P pero wala siya. Nasaan na kaya 'yun? Kaya humawak na lang ako sa saphin ng kama. Hinawakan ko 'to ng napakahigpit baka nga napunit na ito eh.
Nilalagyan na ng cotton with alcohol yung braso ko at parang gusto ko ng tumakbo at umalis ng school pero wala akong magagawa kasi kailangan ko ito para gumaling na yung kirot sa hita at sakit sa ulo ko. Tapos na ang pag-lilinis ng braso ko at nilalagyan na ng syringe ang needle. I don't like where this is going kaya pinikit ko na lang ang mata ko.
"Angel, kalma lang. Ito na." Parang matatawa pa nga ako kasi nakaka-green yung pinagsasasabi ng nurse. Pinikit ko na yung mga mata ko at hinawakan ng mahigpit yung saphin ng kama.
I need to be brave.
Pero pvtangina ang sakit, a.
~#***#~
Dane's POV
"Ok class, you may now take your break." - Ma'am Alejandra.
I'm fvcking hungry. Naglakad ako papunta sa cafeteria. Habang naglalakad ako may biglang nag-flashback sa isipan ko. Isang masakit na flashback. Really painful...
BINABASA MO ANG
10 Shooting Stars
ChickLitMeet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas lalo pa siyang naniwala dito noong nakaramdam siya ng malakas na tibok at kabog ng kanyang puso. Ang l...