Chapter 20: Your Baby Girl

803 25 1
                                    

Briana Angel's P.O.V.

"ATE ANGEL!!" Masayang bati sa akin ng mga bata dito sa ampunan.

Saglit lang naman ang naging biyahe namin papunta dito. Pagpasok pa lang namin sari-saring yakap na ang natanggap ko mula sa mga maliliit na bata. Ilang buwan na rin akong hindi nakakapunta dito sa ampunan kaya naman sobra ang saya ko ng makita ko ulit sila. Ang mga batang 'to ay inaalagaan ng mga madre kaya naman mababait 'tong mga ito.

Niyakap ko silang lahat ng napakahigpit at binati rin pabalik. "Kamusta kayo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Okay naman po."

"Masaya."

"Ganooon pa rin po."

Sunod-sunod nilang sagot sa akin. Napangiti na lang ulit ako sa mga sinasabi nila dahil ganoon pa rin sila magsalita. Sobra ko silang na-miss. Lalo na yung boses nila.

Lumapit naman sa akin si Ailene na may hawak-hawak na teddy bear atsaka ako niyakap. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Siya yung pinaka-youngest sa lahat ng bata dito sa ampunan. Sa totoo nga, naawa ako sa kanila dahil inabandonan sila ng sarili nilang mga magulang pero by the looks of their faces masaya naman sila. Mas mabuti ng masaya kaysa naman malungkot.

"Kamusta 'yang si White?" Masaya kong tanong kay Ailene habang nakaturo sa dala niyang teddy bear.

"Ok naman po. Kakalinis lang." Saad niya sa akin. "Meron kang teddy bear, ate?" Tanong niya sa akin.

"Meron! Ang pangalan niya Snow. Cute rin pero mas maliit ng konti diyan." Pag-describe ko naman kay Ailene. Namangha agad siya sa akin at kinulit ako.

Nagkwentuhan kami ng mga bata hanggang sa dumating sa eksenang nagtanong si Ailene sa akin at hindi lang basta isang tanong.

"Ate Angel, sino yung lalaking 'yon?" Tanong niya sa akin saka itinuro si Dane.

Nandoon siya sa dulo at malayo sa'min kaya naman tinawag ko siya at pinalapit sa amin. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa BF ko.

"Kids, Siya si Dane. Ang lalaking kaaway ko lagi at laging inaasar. Ang lalaking utos ng utos sa akin at ang lalaking isang perverted. Ngayon, siya na ang aking boyfriend. Ang boyfriend kong gwapo, macho, cute at syempre pervert." Pagpapakilala ko sa mga bata. Napatingin na lang sila sa aming dalawa ni Dane at tumodo ang ngiti.

"Ayiiieeehh!" Banggit nilang lahat sa amin dahilan ng pagkilig. Pati nga rin sina sister kinilig na rin.

"Si Ate Angel, may boyfriend. Ahaha!" Pag-trip sa akin ng mga lalaking bata habang ang mga babae naman ay tili lang ng tili.

Pero lahat sila napatahimik ng marinig nilang magsalita si Dane sa harapan nila.

"This is the girl I don't want in the first place but look at us now we're a couple and we're getting married."

Nagulat naman ako sa huling sinabi ni Mr. Pervert. We're Getting Married?! Agad-agad? Ganoon ka-excite?

'Yan tuloy, kinilig na naman ang mga bata tapos sila sister nagtawanan. Napahiya na lang ako at pinalo ng mahina si Dane sa balikat. "Bakit mo sinabi 'yon?" Galit kong tanong sa kanya.

"Bakit? Ikinahihiya mo ba ako?" Tanong naman niya sa akin habang nakangiti.

Tumingin ulit ako sa mga bata at pinagmasdan sila.

"Ate Angel, bagay kayong dalawa."

"Ang cute niyong dalawa."

"Magkakaroon na ng asawa si ate."

Sunod-sunod nilang sabi sa akin. Napatawa na lang ako sa kanila dahil ang lawak ng mga imahinasyon nila at idagdag niyo pa ang pagka-advanced ng mga pag-iisip nila. Hindi pa nga nanliligaw si Dane mag-asawa agad?

10 Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon